Chapter 44: Here Comes The Sun

4 1 0
                                    

CHAPTER 44

Rachelle's POV

"Umayos ka nga!" I yelled at him.


"Sorry na!"


Kanina pa kami nagpapractice dito at hanggang ngayon hindi niya pa rin makuha yung steps na tinuturo ko.


Hindi naman kasi dancer, nagpapakadancer!


"Mali kasi yang ginagawa mo!"


Feeling ko mawawalan na ako ng boses sa kakasigaw sa kanya. Pagod na pagod na ako dito.


Mabuti nalang wala si Mama dito kaya nakakapagpractice kami.


"Paano ba?" Nahihiya niyang tanong habang kumakamot sa ulo niya.


Napairap ako atsaka siya nilapitan.


Ang hirap hirap naman kasi turuan nito!


Hinawakan ko yung kamay niya.


"Ganito." Idinemo ko sa kanya yung part ng lalaki.


Bale palit kami ng position ngayon. Nasa harap ko siya, at nasa likod niya ako.


Naramdaman ko namang nanigas siya nung hinaplos ko na yung braso niya.


Bakit kapag siya naman ang gumagawa ng step na to, wala naman akong nararamdaman.


Pero kapag ako ang gumawa, parang may epekto sa kanya?


Ako lang ba o talagang naiilang siya?


Ang sarap tuloy niyang pagtawanan.


"Kung hindi mo talaga kaya, palitan nalang natin yung step." Sabi ko sa kanya atsaka siya binitawan.


Nagulat ako nung bigla niya akong hinatak papunta sa harapan niya at ginawa yung step na tinuturo ko na wala man lang mali.


"No. Intimacy is very important." Seryosong bulong niya sakin kaya nagtindigan yung mga balahibo ko.


W-what the hell?


Bakit ganon yung boses niya?


Nagulat ako nang bitawan niya ako.


"Yes! Nagawa ko!" Nakangiting sabi niya atsaka lumayo sa akin. Napairap nalang ako.


Sinasadya niya ba akong asarin?


Nakakainis naman kasi, sa dinami rami ng pwedeng makapareha sa sayaw, si Zach pa!


Sakit sa ulo to eh!


"Magpahinga muna tayo." Sabi ko sa kanya atsaka lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig.


Ang bilis ng paghinga ko. Bakit ganon? Sumayaw lang naman ako ah?


"Hi!"


Nabitawan ko yung basong hawak ko kaya nabasag ito sa sahig. Sinamaan ko siya ng tingin.


"What the hell?!"


Bakit bigla bigla nalang siyang sumusulpot?!


And what's with the smile?!


"Oh, sorry. Kinakabahan ka ata?" Nakangiting tanong ni Vanessa pero feeling ko may iba pa siyang meaning sa sinabi niya.


Eh teka, bakit ba ako napaparanoid? Mali lang ako ng iniisip.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon