Chapter 18: Appreciate

26 2 1
                                    

CHAPTER 18

Vanessa's POV


"Vanessa?" Bigla kaming napalingon nila Charles sa nagsalita sa likod.


Si Luke.


"Hinahanap na nila tayo." Nakangiti niyang sabi sabay lapit sa akin.


Nakatingin lang si Charles sa akin. Napalunok ako.


"Ah, sige. Una na kami." Sabi ko sa kanila atsaka hinila si Luke.


Buti nalang dumating siya. Akala ko hindi na ako makakaalis dun.


"Siya ba?" Biglang tanong sa akin ni Luke nang makalayo layo na kami.


Tumango ako sa kanya.


"Parang ayoko pang umuwi." Biglang sabi ko. Lumingon siya sa akin.


"Saan mo gusto pumunta?"


Sa malayo dito.


Sa lugar kung saan ko makakalimutan na may problema ako. Meron ba?


"Kahit saan."


Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at hinila ako palabas ng mall.


"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.


Nginitian niya lang ako at pinasakay sa kotse niya.


Nagdrive lang siya papunta sa I don't know where. Binuksan niya yung radio at natawa ako sa tumugtog.


Grabe naman.


Ang lakas lang mang asar.


This is real
This is me
I'm exactly where I'm supposed to be now
Gonna let the light shine on me


Now I've found who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I wanna be
This is me♪


"Sikat na sikat yung kanta mo." Nakangiting sabi sa akin ni Luke habang nagmamaneho.


Buti pa yung kanta ko sikat. Ako hindi. Nakakalungkot lang.


"Si Rachelle naman nakinabang."


Aanhin ko yun diba? It doesn't makes sense.


"Alam ko naman ang totoo." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.


Nakakatuwang malaman na may taong naniniwala sa galing mo. Na kahit papaano, may taong alam kung sino ka talaga.


Masaya ako kasi naging kaibigan ko si Luke.


Siya ang saviour ko. Hindi niya ako pinapabayaan. Palagi niya akong pinapasaya.


I appreciate that.


I appreciate lahat ng ginagawa niya para sa akin lalo na kapag inaaway ako ni Auntie.


Nagulat ako nung pumarada kami sa isang park na nasa mataas na lugar.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon