CHAPTER 20
Vanessa's POV
Hindi ko mapigilang tumili habang nakatakip yung unan sa mukha ko.
Nandito na ako sa kwarto pero pakiramdam ko yung kaluluwa ko naiwan sa park.
Kinikilig pa rin ako kainis!
Bwisit kasing Charles yan.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at umamin ako. Sa mismong harapan niya pa ha.
San ako nakakuha ng lakas ng loob?!
Hindi ko rin alam kung ano ang sumapi sa akin at hinayaan kong maligo kami sa ulan.
Ang nasa isip ko kasi nung mga panahon na yun, okay lang na mabasa ako, atleast masabi ko yung tunay na nararamdaman ko.
Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag hindi ko pa nasabi. Baka mabaliw ako sa kakaisip.
Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Para akong nananaginip.
Sukat ba namang tumakas ako nang hating gabi? Mabuti nalang at tulog na silang lahat kundi lagot na ako.
Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko sa electric fan. Pakiramdam ko tuloy sisipunin ako.
Ayan kasi, paulan pa more!
*phone rings*
Nagulat ako sa pagtunog ng cp ko. Napangii nalang ako nang mabasa ko kung sino yun.
"Hi." Bati niya. Inunahan pa ako.
"Hello."
Pakiramdam ko, pareho kaming nakangiti ngayon.
Bakit isang hi at hello lang, iba na yung dating sa amin?
Ganito ba talaga kapag in love?
"How are you feeling?" Tanong niya.
Ano ba, Charles. Wag kang ganyan. Kinikilig ako.
"Hmm, ayos na."
"Matutulog ka na?"
Napangiti ako. Simpleng usap lang pero ang lakas ng dating sa akin.
"Hindi pa naman. Ikaw?"
"Labas ka." Napangiti ako sa sinabi niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at naglakad papunta sa terrace ko. Mabuti naman at tumila na ang ulan.
Lalo akong napangiti nung makita ko siyang nasa tapat ko. Nasa terrace din siya.
Nagtitigan lang kami siguro mga 10 seconds.
Ang sarap ng feeling. Parang pang fairytale.
"Hindi pa rin ako makapaniwala." Natatawang sabi niya sa kabilang linya.
"Ako rin eh."
"Hindi kaya pareho tayong nananaginip?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Pareho tayo ng panaginip?"
"Oo."
"Paano mangyayari yun?" Napailing ako. Nababaliw na ata si Charles. Posible ba yun.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad