CHAPTER 26
Vanessa's POV
"Vanessa, ano ba! Ayusin mo trabaho mo!" Sigaw sa akin ni Auntie. Huminga ako nang malalim.
Galit na galit sa akin si Auntie. Medyo paos kasi ang boses ko kaya hindi ako makakanta nang maayos.
"Uminom ka ng salabat! Manang, ipaggawa mo yan ng limang baso ng salabat!" Utos niya.
"Ma naman." Saway ni Luke sa kanya.
"Ah basta! Kailangan bumalik ang boses mo!" Inis na sabi niya atsaka nagwalk out.
Napayuko nalang ako.
Ngayon kasi ang Mall show ni Rachelle. Kung kailan pa ako kakanta saka naman ako napaos.
Nakakainis.
"Kaya ko to." Sabi ko kay Luke atsaka siya nginitian. Pinat niya naman yung ulo ko.
Ang swerte ko talaga kay Luke. Para akong nagkaroon ng Kuya.
"Magpahinga ka nalang muna. Baka bumalik yung boses mo." Sabi niya sabay alis.
Nandito ako ngayon sa Music room ng bahay. Nagpapractice ako ng kanta nang mapansin ni Auntie na may mali sa boses ko.
Hindi daw ako pwedeng mapaos dahil kakanta ako mamaya.
Naglakad lakad ako sa loob ng kwarto. Nakita ko yung piano sa gilid kaya naupo ako at tinugtog ang unang kantang pumasok sa isip ko.
Lionheart.
Bakit kasi ngayon pa ako napaos? Pwede namang bukas nalang.
Sinubukan kong samahan ng kanta kaso, wala.
Hindi ko kaya.
Naiiyak ako.
Paano na ako nito mamaya?
Nagulat ako at napatigil sa pagtugtog nang biglang pumasok si Luke.
"Salabat." Natatawang sabi niya atsaka inabot sa akin yung isang baso ng salabat na hawak niya.
"Salamat."
Umupo siya sa tabi ko at pinanood akong inumin yung isang baso ng salabat. Kaso may napansin ako sa mukha niya.
"Tumatawa ka ba?"
Lalo siyang natawa sa tanong ko. Ano ba kasing nakakatawa?
"Bakit ka napaos?" Tanong niya. Tiningnan ko lang siya.
"Sigaw ka ng sigaw no?" Iiling iling niyang sabi kaya napayuko nalang ako.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad