Chapter 27: Gonna Get Caught

29 2 0
                                    

CHAPTER 27

Vanessa's POV


"Uy, may quiz daw tayo ngayon." Sabi ni Camille sa akin pagpasok ko palang ng room.


Napalingon ako sa kanya.


"Nagreview ka ba?" Tanong niya pa.


Anong review?


"Si Vanessa pa ba." Pagmamayabang ni Charles.


"Oo nga pala." At tumawa silang dalawa.


Honestly, hindi ako nakapag review. Hindi ko nga alam na may quiz eh. Masyado akong busy kahapon kaya hindi ko na naalala.


Bahala na.


"Oo nga pala, bes. May prom date ka na?" Tanong ko sa kanya.


Balita ko kasi yung members ng SG except kay Joe may partner na.


"Oo na. Wag mo ng ipamukha saking may partner ka na." Narinig ko namang tumawa si Charles sa tabi ko.


"Wala pa?"


Ang ganda ganda ng bestfriend ko tapos walang partner?!


"Magsama nalang kayo ni Gael na walang partner." Pang aasar ng katabi ko.


"Bes, pigilan mo ko. Makakasapak ako ng Charles ngayon." Natatawang sabi ni Camille kaya natawa nalang din ako.


"Oo nga pala. Nasaan si Gael?" Tanong ko kay Charles nang mapansin kong wala si Gael. Siya lang kasi ang nawawala dito.


"Baka kasama ni Jasmine." Pasigaw na sabi ni Dorothy.


Oo nga pala, kaklase din namin si Dorothy. Ang hilig niya talagang asarin si Jasmine at Gael.


"May something ba sa kanila?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Charles at tipid na ngumiti.


Maya maya'y dumating na yung teacher namin at tama nga ang sinabi ni Camille. May quiz kami at hindi ako prepared.


"Kapitan Tiago." Dinig kong bulong sa akin ni Charles nang mapansin niyang hindi ako nagsulat sa number five na question.


Wala akong nagawa kundi ang isulat.


Nagpatuloy sa pagtatanong yung teacher namin at mabuti naman at nasagot ko yung iba.


Syempre, binubulungan ako ni Charles kapag blanko.


"Okay, exchange papers." Dinig kong sabi ni Ma'am.


Pagkatapos namin magcheck ng papel, ibinigay na sa prof namin yung mga quiz paper.


Nang marinig kong inannounce na perfect ang score ko, nagthank you ako kay Charles.


Bagsak sana ako.


"Libre mo ko." Nakangiting sabi niya kaya natawa ako.


"Yun lang pala eh."


Natapos yung ilang subjects namin at ngayon, nasa cafeteria kami.


"Uy, Gael. Yayain mo na si Joe!" Pang aasar ni Zach kay Gael. Sinamaan naman siya ng tingin ni Joe at binigyan ng dirty finger.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon