Chapter 22: Daydream

33 1 0
                                    

CHAPTER 22

Vanessa's POV



Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang may biglang nag doorbell.


Ha? May bisita ba?


Wala naman sina Auntie dito kaya sino yung bibisita?


Hindi naman pwedeng si Charles dahil magtetext naman yun atsaka andyan lang naman ang bahay niya.


Nanakbo na ako sa labas ng bahay para silipin kung sino. Bigla akong napangiti.


"Hello, iha."


"Hello po, Tita Lily." Nakangiti kong sabi sa kanya.


Siya yung asawa ni Mr. Valdez. Yung tatay ni Rachelle.


Teka, anong ginagawa niya dito?


"Napadalaw po kayo?"


"No. Actually, ikaw ang pinuntahan ko dito. Sinusundo kita." Nakangiti niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.


"Po?" Gulat na tanong ko. Bakit niya naman ako susunduin?


"I want to treat you, pamasko ko na sayo."


Hala, nakakahiya naman. Hindi niya nga ako kaano ano tapos papamaskuhan niya pa ako. Hindi ko rin naman siya ninang.


"Nakakahiya naman po."


"Wag ka ng mahiya. Come. Wala naman sila diba? Sulitin mo na." Natatawa niyang sabi.


Mapilit siya eh.


"Okay po."


Papasok sana ako sa loob para magbihis pero bigla akong pinigilan ni Tita Lily.


"No need to change." Sabi niya atsaka ako pinasakay sa kotse niya.


* * *

"Hindi po ba sobrang dami nito?" Nahihiyang sabi ko kay Tita Lily habang hawak hawak yung mga damit na kinuha niya.


"No, its okay." Nakangiti niyang sabi atsaka inabutan pa ako ng isang dress.


Yep, nasa boutique kami at ito ang sinasabi niyang libre.


"Sukat mo na." Excited na sabi niya sabay tulak sa akin sa loob ng fitting room.


Naiintindihan ko naman si Tita Lily. Wala siyang anak kaya parang anak na ang turing niya sa akin.


Kaso nakakahiya eh. Hindi ko naman siya kadugo pero kung bilhan niya ako ng damit o kahit ano, okay lang sa kanya.


"Uhm, Tita?" Tawag ko sa kanya. Sinusukat ko na kasi yung isa sa mga damit na pinili niya.


"Yes, iha?"


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon