Chapter 30: Middle

21 2 0
                                    

CHAPTER 30

Gael's POV


Tinungga ko yung beer na nasa tapat ko at sumandal sa upuan. Dinig na dinig ko ang ingay nila.


"Ito ngang si Zach, hindi marunong sumayaw eh!" Asar ni Camille.


"Shut up ka nalang!" Nagtawanan silang lahat. Namumula na kasi yung tenga ni Zach sa sobrang hiya.


Eh kaso itong si Camille ayaw paawat.


Gustong gusto niyang inaasar si Zach. Pikon kasi si kupal.


"Sabi pa nga sa akin ni Monique, ang sakit na raw ng paa niya." Lalong nagtawanan yung mga babae.


Nakita ko na naman yung ngiti niya. Ang ganda ng ngiti niya.


Patuloy lang sila sa pag aasaran nang biglang lumapit si Liam.


"Mga pre, nagrerequest ng duet yung customers." Sabi niya habang nakangiti.


Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.


"Ayan oh, si Gael pakantahin niyo. It's his time to shine!" Nakangiting sabi ni Zach sa akin. Tinanguan naman ako ni Charles.


Ano pa nga bang magagawa ko.


Tapos na kaming tumugtog at parequest request nalang yung audience. Kaya kahit sino, pwedeng kumanta.


Nasabi ko na bang lahat kami marunong kumanta? Although hindi naman kasing galing ni Charles at Iza pero kaya naming kumanta.


Sadyang mas gusto lang naming tumugtog.


"Si Jazz pakantahin niyo. Maganda boses niyan." Proud na sabi ni Dorothy.


"Ano daw bang request?" Tanong ko kay Liam. Inabot niya sakin yung papel na may sulat ng kanta.


Secret Love Song.


"Uy, ako magpipiano!" Ganadong sabi ni Dorothy atsaka nauna nang umakyat ng stage.


"Ako sa drums!" Nakangiting sabi ni Monique at tumayo.


Napakamot nalang ako ng ulo atsaka umakyat sa stage.


Nakatayo kaming dalawa ni Jasmine. Nilingon ko sila Monique sa likod at nakita kong nakapwesto na sila ni Dorothy.


"Ready ka na?" Tanong ko kay Jasmine. Nginitian niya ako at tumango.


Nagsimula na siyang kumanta.


When you hold me in the street
And you kiss me on the dancefloor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
Cause I'm yours♪


Pagkatapos niyang kantahin yung first stanza, tumugtog na ng piano si Dorothy at drums si Monique.


Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.


We keep behind closed doors
Every time I see you I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough


It's obvious you're meant for me
Every piece of you it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face
But we know this, we got a love that is hopeless♪


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon