Chapter 23: Get Back

29 1 0
                                    

CHAPTER 23

Vanessa's POV


"Vanessa! Come here!!" Dinig kong sigaw ni Auntie mula sa baba.


Dali dali naman akong lumabas ng budega. Itinago ko sa bulsa ko yung litratong nakita ko.


"Punasan mo yung lamesa." Utos niya. Ginawa ko naman.


Hindi magkandaugaga sila Auntie sa paglilinis ng bahay. Media Noche na mamaya.


At oo, nakabalik na sila sa bahay. Sad no?


"Putulan mo ng sanga yung mga halaman!!" Utos niya sa akin. Nakasimangot akong naglakad palabas ng bahay.


Hay, kanina pa ako nagtatrabaho. Pagod na pagod na ako.


"Hi neighbor!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw.


Si Charles.


Kinawayan at nginitian ko nalang din siya. Busyng busy ang mga tao sa paglilinis ng bahay nila.


Itinuon ko yung pansin ko sa halaman na kailangan ng putulan.


Inayos ko yung hagdan para maabot ko nang maayos yung mga matatas na sanga.


Naalala ko yung litratong nakuha ko sa budega. Litrato ng isang sanggol na kakapanganak palang.


Posible bang ako yun?


Patuloy lang ako sa pagputol ng sanga nang may biglang dumaan na pusa sa hagdan kaya na out of balance ako.


Akala ko babagsak na ako sa sahig pero nagulat ako nang may biglang sumalo sakin.


Sino pa ba?


"Ayos ka lang?" Tanong niya habang ibinababa ako. Tinanguan ko siya.


"Salamat, Luke."


"Sige na. Magluto ka nalang doon, ako nang bahala dito." Sabi niya sabay agaw sakin ng gamit ko.


Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay atsaka tumulong kina Auntie.


Mukhang magiging isang nakakapagod na araw ito.


* * *


Nandito ako ngayon sa kwarto at tinititigan yung batang nasa picture. Ako ba to?


Pero bakit naman nakatago?


*phone rings*


Napatigil ako sa pag iisip nang biglang tumunog yung phone ko.


"Oh, Camille?"


"Girl! May lakad daw tayo ng SG after new year!" Excited na sabi niya.


"Saan naman?"


"Hindi ko pa alam eh. Party daw!"


"Huh? Party?"


"Oo, wag kang mag alala, all girls lang!" Nakahinga naman ako nang maluwag.


Akala ko kasama sila Charles eh.


Okay na rin to. Dagdag bonding moments namin ng SG.


"Ano, go ka?"


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon