Chapter 12: Let it Go

30 3 0
                                    

CHAPTER 12

Vanessa's POV


"Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Charles nang makarating ako ng school. Sabi na nga ba magtatanong to eh.


Nagkapasa kasi yung sampal sakin ni Auntie tapos may bandage pa yung ulo ko gawa nung pagkakauntog ko. Nagkaron ng cut.


Nginitian ko lang siya at umiling.


"Nahulog ako sa hagdan eh."


Nilapitan niya ko.


"Ayos ka lang ba? Hindi na ba masakit?" Nag aalalang tanong niya.


Umiling lang ako. Hindi ko parin tinatanggal yung ngiti sa mukha ko.


Sige lang, Vanessa.


Dyan ka magaling diba?


Sa pagpapanggap.


Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Camille palabas ng room. Pumasok kami sa CR.


Alam ko na naman na kung bakit.


"Anong nangyari?" Malungkot na tanong niya. Naiiyak na siya na ewan. Camille naman eh.


Don't make this harder for me.


Kasi alam kong anytime magbebreak down na ako.


"W-wala." Umiling siya.


"You are not a good liar, Vanessa." Napabuntong hininga ako. Sa kanya pa ba ako magtatago? Sa bestfriend ko?


Niyakap ko siya nang sobrang higpit atsaka ako umiyak nang umiyak. Hinagod niya lang yung likod ko.


Ang sakit sakit.


"Shhhh. Magiging okay rin ang lahat." Sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.


Walang tigil ako sa pag iyak.


Sana.


Sana nga maging okay na ang lahat.


Kasi ayoko na.


* * *


Napalingon ako kay Auntie nang bigla niyang inihagis yung damit sa kama ko.


Tiningnan ko.


Maid's uniform.


Anong gagawin ko dyan?


"Isuot mo yan. May bisita tayo mamaya." Mataray na sabi niya atsaka lumabas ng kwarto ko.


Napabuntong hininga ako. Linggo ngayon, walang pasok.


Pero mas pipiliin kong magkaroon nalang ng pasok kesa magstay sa impyernong bahay na to.


Naligo ako atsaka nag ayos. 3 days nang nakalipas. Nawawala na yung peklat sa noo ko. Hindi narin gaanong halata yung pasa ko sa pisngi.


Mabuti naman.


Habang naliligo ako, may napansin ako sa likod ko. Tiningnan ko yung birthmark ko sa likot ng kanang balikat ko.


Minsan iniisip ko, birthmark ba talaga yun o scar lang na natamo ko sa pagmamalupit ng Auntie ko.


Pero sa sobrang dami na ng pasa at sugat na natamo ko sa kanya, malamang nalimutan ko na kung kasama nga ba to don.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon