Chapter 25: Got My Girls

31 2 0
                                    

CHAPTER 25

Vanessa's POV


"Hi, bes!" Sigaw ni Camille sa kabilang linya. Napatawa ako. Masyado ata siyang energetic, baka maubusan siya mamaya.


"Shh, wag kang maingay." Pagbibiro ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya.


"Sorry, excited lang." Sabi niya pa.


Ako rin naman, excited na. Kaso di ko pa alam kung paano ako makakalabas nang di nahahalata nina Auntie na madami akong dala.


"Sige, kita kits nalang." Sabi niya sabay hang up.


Ang usapan kasi, sa plaza kami magkikita kita. Dala namin yung sasakyan ni Joe. Van daw kasi.


Rich kid pala si babae.


Nagulat ako pagbukas ko ng pinto nang makita ko ang mukha niyang poker face.


"Luke."


Tinaasan niya ako ng kilay.


"Sigurado kang dadalhin mo yan?" Kinunutan ko siya ng noo. Ano naman?


"Makikita ni Mama yan. Di ka lalo papayagan." Napahinga ako nang malalim.


Nagulat naman ako nung kinuha niya yung bag ko sa akin at tinulak na ako pababa ng hagdan.


"Trust me." Sabi niya sabay akyat ulit pataas.


So wala na akong nagawa kundi ang maglakad pababa. Naabutan ko naman si Auntie na pinepedicure sa sala.


"Umuwi ka agad. May mall show pa si Rachelle bukas at kailangan mo magpractice." Mataray na sabi ni Auntie.


Tumango ako sa kanya at ngumiti. Kaya mo yan, Vanessa.


"Opo."


Nakahinga ako nang maluwag nang pinalayas na ako ni Auntie sa harapan niya.


Nagpaalam kasi ako na pupunta ako kila Camille dahil may handaan sa kanila. Eh alam kong hindi makakatanggi si Auntie dahil alam niya na alam ni Camz yung ginagawa niyang pagtrato sa akin.


Naglakad na ako palabas ng bahay nang may ngiti sa labi.


"Good morning! May lakad?"



Naabutan ko naman si Charles na naglilinis ng sasakyan niya. Tinanguan ko siya.


Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Luke na nasa likod ko at hawak hawak yung bag ko.


"Hindi ka ba talaga marunong mangalabit?" Inis na sabi ko. Ang hilig hilig kasing manggulat. Pwede namang magsalita kahit 'Huy' man lang diba?


Nginitian niya lang ako.


"Ito na." Sabi niya sabay abot sa akin ng back pack ko. Nginitian ko siya.


"Salamat talaga." Ginulo niya lang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Alam mo ba kung gaano kahirap ayusin to?" Taas kilay kong sabi sa kanya. Tinulak niya na naman ako palayo atsaka kinawayan.


Napailing nalang ako.


Habang naglalakad ako, nakareceived ako ng text galing kay Dorothy. Andun na daw sila ni Joe.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon