Chapter 24: Smile

26 1 0
                                    

CHAPTER 24

Vanessa's POV


Nagpatuloy ako sa pagbabasa ko ng libro at ininom ko yung kapeng nasa ibabaw ng lamesa ko.


"Hi!"


Napalingon ako sa nagsalita. Si Zach. Anong ginagawa niya dito?


"Pwede maki-join?" Dahan dahan akong tumango sa kanya. Umupo naman siya sa upuan sa tapat ko.


"Bakit ka nandito? Nasaan sila?" Tanong ko. Sumandal siya sa upuan at nag inat.


"Hindi ko alam eh."


O--kay?


Alam niya bang nandito ako? Nasaan sila Charles?


"Oo nga pala, have you seen Iza?" Napaubo ako sa tinanong niya kahit na hindi naman ako uminom ng kape.


"I...I-I don't know." Sabi ko sabay balik ulit sa pagbabasa. Baka mahalata ni Zach yung kaba ko.


"Pansin ko lang, pag wala siya, andyan ka. Pag andyan siya, wala ka." Tatawa tawa niyang sabi.


Now, he got my attention.


"Baka busy." Sagot ko nalang sabay inom ng kape ko.


"Sayang, hindi pa kami nakakapagbonding. Gusto ko pa naman siya makilala." Sabi niya sabay tingin sa akin.


Bakit ganun? Parang ang lalim ng iniisip niya, kung makatingin pa siya parang may alam siya.


Hay nako, erase erase!


"Tara sama ka sakin."


Bago pa ako makareact sa sinabi niya, dinala niya na yung gamit ko atsaka naunang naglakad palabas ng coffee shop.


What the hell was that?


Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan si Zach. Dala dala niya yung gamit ko.


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.


Nginitian niya lang ako at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya.


Teka nga. Ano bang binabalak ng Zach na to? Kinikidnap niya ba ako?


"Magugustuhan mo yung pupuntahan natin." Nakangising sabi niya. Kinabahan ako bigla.


"Zach, you're creeping me out." Tumawa siya atsaka binuksan yung radio ng sasakyan.


Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ni Zach at kung anong trip niya sa buhay. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin.


Wala pang 10 minutes ay nakarating din kami sa sinasabi niyang pupuntahan.


"You should have told me na sa Mall lang pala tayo pupunta." Disappointed kong sabi. Akala ko pa naman somewhere na exciting.


Ano ba tong mga iniisip ko.


"Mag eenjoy ka dito." Paninigurado niya.


Hindi naman nakakaenjoy sa Mall ah?


Sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa stage. Eh? Mr. And Ms. Teen Earth? Anong meron?


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon