Chapter 41: Don't Forget

21 1 0
                                    

CHAPTER 41

Charles' POV


Buong klase tumabi ako kila Liam sa upuan. Hindi ako umupo sa tabi niya. Buong oras ng klase hindi ko sila pinansin ni Camille.


Kahit na gustong gusto ko siyang lapitan at tabihan sa upuan.


Nung nakita ko siyang pumasok na parang wasted, para akong dinudurog. Halatang umiyak siya magdamag.


Mabuti nalang andyan si Camille para bantayan siya. Hindi ko rin kasi maiwasang hindi mag alala. Galit ako pero nag aalala pa rin ako.


I don't know, pride maybe?


Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangyari sa pasa niya sa braso. Kung saan niya nakuha yun. Kung may nanakit ba sa kanya.


Pero may pumipigil sa akin.


Hindi ko siya dapat lapitan. Hindi ko siya dapat kausapin. Kasalanan niya naman kung bakit siya umiiyak.


Nagsinungaling siya sakin.


I don't want to talk to her.


Kasi kapag naaalala ko lang, naiinis ako. I felt betrayed. Do you know the feeling of being lied to? Bakit? Hindi ba ako katiwatiwala? Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan?

I don't get it.


I don't fucking get it. Why?


"Bro, hindi ba dapat pakinggan mo muna yung side niya?" Panimula ni Liam. Napakunot yung noo ko.


Side? Pakinggan? What for?


Para lokohin na naman niya ako?


Para maniwala na naman ako sa kasinungalingan niya?


No way.


"Hindi yung iniiwasan mo siya." Singit ni Gael habang pinupunasan yung drum sticks niya.


Nandito na kami sa music room. Wala lang, ayoko lang munang makita sila.


Hindi ko siya iniiwasan. Ayoko lang makita siya. Naiinis lang ako.


Kapag naaalala ko lang na nagsinungaling siya sakin at pinagtaguan ako ng sikreto, nagagalit ako.


She could have trusted me.


Bakit kailangan niya pang itago?


Para saan?


"Kayo, hindi ba kayo galit sa kanya?" Inis kong tanong sa kanila.


Kung makapagsabi kasi sila ng pakinggan ko muna parang hindi sila galit. Sabagay, hindi naman sila ang pinagtaguan.


Hindi naman sila ang pinagsinungalingan.


Bakit sakin pa?


Wala ba siyang tiwala sakin kaya siya nagsisinungaling sakin?


At bakit simpleng pagkanta niya lang kailangan pang itago sakin?


Bakit?


Anong rason?

Bigyan niya ako ng malaking rason, papatawarin ko siya.


"Charles, buksan mo isip mo." Sabi ni Gael.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon