Chapter 40: Two Pieces

22 2 0
                                    

CHAPTER 40

Vanessa's POV


"Where did you go?!"


Tila nabingi ako sa sigaw ni Auntie pagkapasok ko ng bahay. Hatinggabi na.


Kakauwi ko lang galing sa roadtrip and this is not what I expected.


Akala ko wala pa si Auntie. Ang sabi kasi sa akin ni Rachelle, wala pa siya at siguro bukas pa uuwi. Kaya sumama ako kina Charles.


Tiningnan ko si Rachelle na nakatayo sa tabi.


Hindi kaya niloloko niya lang ako? Sinabi niya lang yun para maniwala ako at para mapagalitan ako ni Auntie? Sinet up niya ako.


Bakit nga ba kasi ako naniwala pa.


"Mom, stop it." Napalingon ako kay Rachelle na biglang nagsalita.


Tiningnan siya ni Auntie.


"What?!"


"Tigilan mo na si Vanessa." Kinabahan ako nung kumunot yung noo ni Auntie at lumapit kay Rachelle.


"What did you just say?" Mahinang sabi niya pero ramdam mo ang galit sa boses niya.


Lalo akong natakot.


"Tama na. Tigilan mo na kami."


This time, ako naman ang napakunot ang noo. Totoo bang nagtatalk back si Rachelle kay Auntie?


Am I hallucinating?


"Kailan ka pa natutong sumagot?!"


"Mom! Stop it! Stop controlling both of us!"


Tila nag echo yung sampal ni Auntie kay Rachelle dahil sa sobrang lakas nito.


Nanlaki yung mata ko nang makita ko siyang naglakad papunta sakin.


"Look what you've done!" Nanggigigil na sabi niya sakin habang mahigpit na nakahawak sa buhok ko.


Masakit.


"Tama na! Hindi ko na gusto yung ginagawa ko! It's not what I want!" Narinig kong sabi ni Rachelle sa Mama niya.


Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Auntie sa buhok ko.


"Kita mo?! Pati utak ng anak ko, nilalason mo!" Galit niyang sabi sakin atsaka ako itinulak sa sahig.


"Hindi niya nilason ang utak ko, Mom! Pagod na ako! Hindi mo manlang cinonsider yung pangarap ko!"


"Walang kwenta ang pangarap mo! Mother knows best! At wag mo akong pinagsasabihan!" Galit na sigaw ni Auntie kay Rachelle.


"And she deserves to know her parents!" Natulala ako sa sinabi ni Rachelle. What?


Did I hear it right?


My parents?


Buhay sila? Buhay ang mga magulang ko?

"Shut your mouth!!" Sigaw ni Auntie kaya nag echo yung boses niya sa bahay.


Nagulat ako nang hilahin ni Auntie si Rachelle paakyat ng kwarto.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon