Chapter 48: Mirror

8 1 0
                                    

CHAPTER 48

Veronica's POV


Note: Nangyari to pagkatapos pumasok ni Luke sa kwarto niya.


Pag uwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at laking gulat ko nang makita kong bukas ang drawer ko. Sa pagkakaalam ko, nilock ko ito. I never left it unlock.


Ibig sabihin, may nakapasok na sa kwarto ko?


Kinalkal ko ang drawer ko at hinanap ang papel na itinago ko sa pagbabakasakaling mali ang iniisip ko.


Pero wala. Wala yung calling card ng Martin. May kumuha na.


Napaupo ako sa edge ng kama ko habang hawak hawak ang death certificate ni Vanessa na itinago ko sa mahabang panahon.


Hindi pwede.


Hindi pwedeng mangyari to.


Hindi na ako nakapagpigil at naibato ko ang frame na nakapatong sa side table ko.


Napalingon ako sa litratong nasa sahig. Litrato namin ni Jack.


Ng mahal ko...


Napapikit ako at inalala ang lahat... Ang lahat ng nangyari...


(Flashback)


Sinalubong ko si Jack na kakapasok lang ng bahay. Yayakapin ko sana siya kaso bigla siyang umiwas.


"Ayoko na." Malamig na sabi niya.


Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Pinigilan ko ang maiyak sa harapan niya.


"Itigil na natin to." Pag uulit pa niya.


"J-jack, wag namang ganito. Magkakababy na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya rin bigla.


"Nagkamali tayo. May asawa ako, Veronica."


"Manganganak na ako, Jack! Malapit ng lumabas ang baby natin tapos iiwanan mo ako bigla?!" Nagdilim ang paningin ko.


"Susustentuhan ko naman kayong mag ina."


"Hindi ako papayag!!"


Hindi pwede. Sa akin lang si Jack.


"Nakapagdesisyon na ako."


Tumalikod siya atsaka naglakad papunta sa asawa niya, si Lily.


Pinili niya ang asawa niya. Iniwan niya ako.


Napahawak ako bigla sa tiyan ko. Manganganak na ata ako.


"Ma'am Veronica!" Inalalayan ako ng kasambahay ko.


"Ahhh!! Ang sakiiiit!!!"


Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hinding hindi ko kayo mapapatawad.




Dinala nila ako sa ospital, doon ko ipinanganak ang bunga ng maikling pagmamahalan namin ni Jack.


"Jennifer Rachelle, yun ang ipapangalan ko sa kanya." Nakangiti kong sabi sa nurse ko.


"Ang gandang pangalan po."


"Makakalabas na po ba kami?"


"Hindi pa pwede, kailangan mo pang magstay ng 3 hanggang 5 days." Paliwanag sa akin ni Doctor Martin. Napasimangot ako.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon