Chapter 5: Gift of a Friend

118 9 15
                                    

CHAPTER 5


Charles' POV

"Okay class, who can differentiate series connection and parallel connection?" Tanong ng Physics teacher namin.

At ayon, awtomatikong napalingon sa iba't ibang direksyon ang klase. Heto ang scene kapag hindi alam ang sagot. *whistles*

"Anyone?" She repeated.

No one dared to speak so I heard her sighed. Ang hirap naman kasi ng tanong, and I'm not good in science. 

"Alright, let's hear it from Ms. Vanessa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng teacher namin. Lahat naman napalingon sa kinauupuan ni Vanessa.

Seriously?

Napatingin narin ako kay Vanessa at naghintay ng sagot niya. Bigla siyang tumayo.

"A circuit composed solely of components connected in series is known as a series circuit; likewise, one connected completely in parallel is known as a parallel circuit." Panimula niya.

Tumango naman yung teacher namin, sign na ipagpatuloy niya yung pag eexplain niya. Napanganga na agad yung mga kaklase ko.

Wala pa nga eh.

"In a series circuit, the current through each of the components is the same, and the voltage across the circuit is the sum of the voltages across each component. In a parallel circuit, the voltage across each of the components is the same, and the total current is the sum of the currents through each component." Tuloy tuloy na pagpapaliwanag niya.


Before I realized, I'm already looking at her with my mouth wide open.

Geez, this girl is amaaaaaaazing. 

"Exactly! Nice explanation Ms. Vanessa. You may now take your seat." Nakangiting sabi ni Maam.

Nakakapanibago talaga. Mabuti at hindi na sumisigaw si Maam. Dati kasi nalulukot yung mukha niya kasi wala laging nakakasagot sa tanong niya. 

Hulog ka ng langit, Vanessa.

"How'd you know about that?" Manghang tanong ko kay Vanessa matapos niyang umupo.

Binigyan niya lang ako ng isang ngiti. Here my heart goes again...

"Bakit hindi niyo tularan si Vanessa? Kahit tahimik, matalino." Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Maam. 

Oo nga, kala mo loner. Eh silent killer naman pala ang isang to.

"I just want to tell you that Vanessa's running for honor. Amazing, isn't it? Transferee, umaariba agad." Nakangiting sabi ni Maam.

Napalingon naman ako kay Vanessa, nakayuko na naman siya. Nahihiya ba siya? Eh dapat nga kami yung yumuko dito kasi wala kaming laban sa katalinuhan niya.

Napakaintrovert talaga ng babaeng to.

Mabuti at may saviour kami sa araw na to. Malaking tulong din pala na nandito si Vanessa. Pasalamat kami at dito rin siya nagtransfer sa school na to.

"Okay, that's only for today. You may now take your break." Nagsitayuan na yung mga kaklase ko matapos lumabas ni Maam sa room.

Nanatili lang ako sa loob. Yung mga kaibigan ko kanya kanyang lakad. Ibabalandra daw nila kapogian nila sa labas.

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon