Chapter 17: I Gotta Find You

25 1 0
                                    

CHAPTER 17

Charles' POV


"Nasaan na ba kayo?" Sabi ko kila Gael sa kabilang linya.


Kanina pa ako nandito sa mall. Sabi nila nandito na daw sila. Mga loko talaga.


Nabiktima tuloy ako ng 'otw na ako.'


Ang usapan kasi 5pm nasa mall na. Eh mag 6pm na wala pa ni isa sa kanila.


Malapit ng magpasko at sem break kaya naisipan naming magbonding muna.


Naisipan din naming isama yung SG band, gusto rin namin silang makilala ng mabuti eh.


Magkakasama kami sa resto kaya dapat lang na magbonding kami. Dapat close kaming lahat.


"Hey, pre!" Bati ni Zach nung dumating at saka ako tinapik sa balikat.


Aba ang loko, pormang porma.


Nakareceive naman ako ng text galing kila Camille, nasa cr lang daw sila.


Hay, mga babae nga naman.


"Hindi makakasama si Vanessa?" Tanong sa akin ni Liam.


Nandito kami sa may stage sa gitna ng mall. Mukhang may guesting. Maraming tao eh.


"Hindi eh. May gagawin daw siya." Sagot ko naman sa kanya.


Sayang. Makakapag bonding rin sana kami.


"Hi, boys!" Dinig kong bati ni Monique. Lima lang sila. Kulang ng isa.


"Nasan yung babes ko?" Tanong ni Zach kay Camille.


Kaya naman pala.


"Wala si Iza eh. May pinuntahan. Bawi nalang daw siya next time." Nakangiting sagot ni Camille. Napatango nalang kami. Nanlumo naman bigla si Zach.


Palagi nalang wala si Iza. Hindi tuloy namin siya nakakabonding. Palaging busy eh.


Kawawang Zach.


"Hi everyone! I'm Rachelle Valdez."


Napalingon kami sa babaeng nagsalita doon sa may stage.


Si Rachelle? Yung pinsan ni Vanessa?


"Dahil successful yung album launching ko, kakantahin ko yung hit song ko." Nakangiting sabi niya. Singer siya?


Biglang tumugtog yung kanta na siyang nakapagpatigil sa pagtibok ng puso ko.


That song.


That voice.


I've always been the kind of girl
That hid my face
So afraid to tell the world
What I've got to say


But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show
It's time to let you know
to let you know♪


"Pare...." Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Gael sa balikat ko. Hindi ako kumibo.


Nakatingin lang ako sa stage.


That voice.


That voice that I have been searching for.


Napalunok ako.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon