CHAPTER 15
Vanessa's POV
"Hindi ka nagugutom?" Tanong ni Charles. Umiling ako.
Nandito kami sa garden ng school. Uwian na kasi namin, hinihintay ko lang sila Camille dito.
Hindi ako mapakali, asan na ba kasi sila?
Masyado siyang malapit sakin, naiilang ako.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
"Vanessa, I like you. I like you very much."
Muntik na akong mahalata nun. Kung alam niyo lang. Grabeng hampas ang inabot ko sa mga ka-band member ko nung makarating kami sa cr.
Kung kinilig sila, mas kinilig ako.
Sa cr ako nagsisisigaw nun. Nagwala ako nung gabing yun.
Si Charles, may gusto sakin. Ang saya lang!
Kaso, hindi niya alam na alam ko na. Ang alam niya kasi wala nun si Vanessa.
Natatawa nga ako kasi hinahanap niya ako sa crowd eh. Hindi niya alam na nasa tabi niya lang pala ako nung oras na umaamin siya.
"Hindi ako gutom." Sabi ko.
Infairness, ang hirap magpanggap na walang alam.
Kahit na alam na alam ko na may gusto siya sakin.
"Hatid kita pauwi?" Tanong niya. Iling lang ang isinagot ko sa kanya.
Ang kulit ng isang to. Gusto kong matawa.
"Wag na."
Kanina niya pa ako kinukulit.
Hindi ako pwedeng magpahatid sa kanya kasi hindi naman ako uuwi.
May usapan kasi kami nila Camille.
Ngayon yung start namin sa resto ni Charles eh.
*phone rings*
"Hello?" Napatingin sa akin si Charles. Nakakunot yung noo niya.
Nakakatawa talaga siya.
"Music room. Now na." Dinig kong sabi sa akin ni Camille sa kabilang linya. Narinig ko naman ang pagbati nila Monique.
"Sige, papunta na." Sabi ko sabay end ng call.
Tiningnan ko si Charles.
"Hatid na kita?" Tinawanan ko siya. Sorry, hindi ko na mapigilan eh. Masyadong mapilit.
"Hindi na. May pupuntahan pa ako. Mauna ka na." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad