CHAPTER 7
Charles' POV
"Woah woah woaaaaaaaaah!"
Na-out of balance ako sa skateboard ko nang may biglang dumaan na babae sa harapan ko.
*Booooogsh!*
Oh shit!
Natumba yung babae sa sobrang lakas ng impact ko. Damn, Charles! Di ka nag iingat! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo!
"Miss, are you alright?" Tanong ko sa babaeng nabangga ko atsaka siya itinayo.
Mukhang galit siya. Patay ka, Charles.
"What the-----Oh hi, mister?"
Nagbago bigla yung itsura niya, nakakapagtaka lang.
Kanina hindi maipinta, ngayon nagliliwanag na ang mukha. Kung kanina parang gusto niya akong saktan, ngayon iba na.
Hmmm. Charms. *winks*
"I'm very very sorry." Pagsosorry ko sa babae. Pero kasalanan niya naman talaga kasi bigla siyang dadaan eh. Sana tumingin din siya diba?
Saglit naman akong napatingin sa kanya.
Nagkatitigan kami ng siguro 10 seconds? Maganda siya.
Nagulat nalang ako nang mabitawan ko yung skateboard ko kaya bunagsak ito sa sahig, dahilan para maputol ang pagtititigan naming dalawa.
Ano ba yan, Charles!
"Ouchyy!" Sabi niya bigla sabay hawak sa paa niya. Hala! I'm so sorry!
Oo nga pala, nabangga ko yun ng skateboard ko at alam kong masakit yun. Binagsakan ko pa. Ano ka ba naman Charles, umayos ka.
"Hala, wait. Saan masakit?" Tanong ko habang nakaupo para tingnan yung paa niya.
Medyo namumula mula ng konti. Well, sino ba naman ang di masasaktan pag nabagsakan ng skateboard diba?
"I think I can't walk my way home." Naiiyak na sabi niya.
Hindi naman ako mapakali. Saglit na napakunot yung noo ko.
Teka, parang namumukhaan ko siya, siya yung kasama ni Vanessa sa bahay nila.
Oo, siya nga.
Nakita ko kasi siya nung isang araw na inuutusan si Vanessa magdilig ng halaman nila sa tapat ng bahay nila.
Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ihahatid nalang kita. Diba kasama mo si Vanessa sa iisang bahay?" Tanong ko sa kanya.
Napansin kong kumunot yung noo niya nang mabanggit ko yung pangalan ni Vanessa.
What's with that?
"Wait, you know her?" Tanong niya.
Tumango ako, "We're classmates," sabi ko.
"Okay, thank you." Tipid ba sabi niya sabay ngiti.
Mabuti at nandito lang ako sa may park, malapit lang to sa bahay nila eh.

BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad