CHAPTER 39
Vanessa's POV
"Guys, tuloy tayo bukas ha?" Nakangiting sabi ni Liam sa amin ni Charles.
Napakunot yung noo ko.
"Anong meron bukas?" Tanong ko sa kanya. Pati si Camille naghihintay ng sagot.
"Roadtrip." Nakangiting sabi ni Zach.
Ha? Roadtrip?
"Bakit tayo magroroadtrip?" Tanong ni Camille.
"Kasi trip lang." Singit ni Zach. Binato siya ng ballpen ni Camille.
"Hindi ikaw kausap ko!"
"Ano pa bang pagkakaintindi mo sa roadtrip bukod sa -- ahhhh!" Sigaw ni Zach sabay takbo dahil hinabol na siya ng bestfriend ko.
Napailing nalang ako. Hindi na sila magbabago.
Inayos ko na yung bag ko atsaka lumabas na ng room kasama si Charles.
"Hatid na kita?" Tanong niya, umiling ako.
"Kaya ko na." Nginitian ko siya.
Hindi naman porket nililigawan ako ni Charles eh araw araw akong magpapahatid sa kanya. No.
Hindi tama yun.
Hindi ako nagpaligaw para magkaroon ng driver. Nagpaligaw ako dahil simple lang, gusto ko siya.
Okay na ako sa palagi kaming magkasama at masaya kami pareho.
Hinatid niya nalang ako sa gate ng school pero napahinto kami nang makita ko ang sasakyan niya.
"Rachelle?" Gulat na sabi ko.
What is happening?
Bakit nandito si Rachelle sa school?
Yeah right, kasama ko pa si Charles.
"I came here for you." Sabi pa niya habang nakasandal sa kotse niya.
Napaturo pa ako sa sarili ko para siguraduhing ako nga ang ipinunta niya at hindi si Charles.
"Yes. I need to talk to you." Mahinahong sabi niya.
Huminga ako nang malalim atsaka tumango.
"Sige."
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nandito si Rachelle at gusto niya pang makipag usap sa akin. Wala akong idea.
End of the world na ba?
"Mauna na ako, girls." Paalam ni Charles. Tumango ako atsaka siya kinawayan.
"Is he courting you?" Napaharap ako kay Rachelle.
What the hell?
Kinunutan ko siya ng kilay.
"So?"
Balak niya bang sabihin kay Auntie?
O balak niyang agawin si Charles?
"You two look good together." Sabi niya sabay kibit balikat atsaka pumasok na sa kotse niya.
Naiwan akong nakatulala sa labas dahil hindi maabsorb ng utak ko ang sinabi ni Rachelle. Kulang nalang magmukha na akong aso dahil nakanganga ako.

BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad