Chapter 28: Behind Enemy Lines

25 1 0
                                    

CHAPTER 28

Luke's POV


*flashback*


"Auntie, pwede po ba akong umalis?"


Nandito ako sa sala nanonood ng TV nang marinig ko ang boses ni Vanessa mula sa kusina.


"And where are you going?" Basa mo sa tono ni Mama ang inis pero nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Vanessa.


"Group project po." Paalam niya.


Sinagot nalang siya ni Mama ng okay. Sanay naman na kasi siya na madalas na may group project si Vanessa sa school niya kaya pinapayagan niya naman.


Eh kaso, nacurious ako. Parang may pakiramdam ako na may tinatago si Vanessa.


One time kasi, nakita ko siyang umuwi nang naka dark lipstick. Tulog na sila Mama nun at ako nalang ang gising. Hindi ako nakita ni Vanessa nun kaya tinago ko nalang sa sarili ko yung nakita ko.


So mula noon, nagdududa na ako tuwing nagpapaalam si Vanessa na may group project siya.


Alam kong hindi group project ang pupuntahan niya. Madalas siyang umuwi nang gabi which is very disturbing for me.


Anong ginagawa niya at gabi siya umuuwi? At bakit siya nakadark lipstick? Tapos gulo gulo pa yung buhok niya. Parang kulot yata.


Kinakabahan tuloy ako.


Ganito na ba kadepress si Vanessa? Ganito na ba siya nawawalan ng pag asa?


Pati katawan niya binebenta niya?


Nakita ko na siyang palabas ng gate namin at sumakay sa isang sasakyan na puro babae ang sakay. Nanlaki ang mata ko.


Saan sila pupunta?! Saan nila dadalhin si Vanessa?!


Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at palihim na sinundan yung sasakyan nila. Maganda yung babaeng nagdadrive pero si Vanessa ang iniisip ko ngayon.


Hindi nila pwedeng madala si Vanessa! Hindi na ako papayag na mababoy pa siya!


Nagpatuloy pa ako sa pagdadrive at maya maya'y nakita ko silang huminto sa tapat ng resto bar.


What the fuck?!


Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.


Mula dito sa kotse ay nakita ko silang nagsibabaan sa sasakyan nila. Pumasok sila sa resto bar.


Huminga ako nang malalim atsaka isinuot yung black jacket at sumbrero ko. Naglagay na din ako ng shades para hindi ako makita ni Vanessa.


Kabado akong bumaba sa kotse ko. Fuck. First time kong makakapasok sa ganitong lugar. Hindi ako palainom na tao at lalo ng hindi ako pumupunta sa beer house para manood ng mga babaeng sumasayaw sa stage!


Pero para kay Vanessa, gagawin ko to.


Huminga pa ulit ako nang malalim bago tinulak ang pinto para makapasok.


Isang boses ng babae ang narinig ko.


♪ I tell my heart to just butt out, keep it's opinions to itself
I should just listen to my head, 'cause it's the one who knows what's best


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon