Chapter 13: Sing My Song for You

27 2 0
                                    

CHAPTER 13

Vanessa's POV


"Vanessa! Van!" Napalingon ako sa tumatakbong si Charles. Palabas na ako ng school at pauwi na nang bigla niya akong tinawag.


Hinarap ko siya.


"Bakit?" Bigla siyang ngumiti.


"I just want to invite you."


"Saan?" Napangiti na rin ako.


"May battle of the bands bukas, and I want you to come." Nakangiting sabi niya. Biglang nawala yung ngiti sa labi ko.


Battle of the bands?


"Pupunta ka ha?" Sabi niya sabay tapik sa braso ko at nanakbo na palayo. Hindi na ako nakasagot.


Napalingon ako sa di kalayuan, nakaabang sa kanya sila Gael dala ang mga gitara nila.


Teka.


Anong gagawin ko?


*phone rings*


"Hello?"


"Huy, Vanene! Kanina ka pa namin hinihintay dito sa music room! May practice kayo!" Dinig kong sabi ni Camille. Napanganga naman ako.


May album launch si Rachelle ngayon at kailangan nila ako dun.


Mababaliw na ako.


"Pwede bang, hindi ako pumunta? May kailangan akong gawin."


"Ha?! Eh paano yan, bukas na yung battle of the bands!!" Natatarantang sabi niya. Kahit ako natataranta na.


Napakagat ako sa labi ko.


"Teka lang." Sabi ko sa kabilang linya.


Naglakad ako palapit sa driver ko at nagtanong, "Manong, anong oras ang album launching ni Rachelle?"


"Mamaya pong alas siete, Ma'am." Sabi niya.


Tiningnan ko yung relos ko. Isang oras nalang.


"Kakayanin bang 30 minutes na practice lang?" Tanong ko kay Camille.


"Sige sige, bilisan mo pumunta ka na dito!" Sigaw niya. Dali dali ko namang hinarap si Manong.


"Kuya, pakihintay lang po ako dito. 30 minutes." Sabi ko atsaka tumakbo papuntang music room.


Naabutan ko silang nag aayos ng instrument nila.


"May naisip ka ng kanta?" Tanong sa akin ni Monique habang nilalaro yung drums. Tumango ako.


"Meron na."


Nagpunta na kami sa kanya kanya naming pwesto at prinactice yung kakantahin namin para bukas.


Prinactice din namin yung magiging performance namin.


Sana lang talaga, manalo kami bukas.


Pero may mas malaking problema pa ako eh.


Paano ako makakanood ng performance nila Charles kung isa ako sa magpeperform? Hay naku naman!


* * *


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon