Chapter 43: Up

47 1 3
                                    

CHAPTER 43

Vanessa's POV


"Grabe, hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na ikaw at si Iza ay iisa!" Manghang pagkukwento ni Gael. Si Jasmine naman ay tatawa tawa lang habang nasa tabi niya.


Ibinaba ni Zach ang baso niya atsaka nagsalita.


"Ano ka ba pre, ako nga nahalata ko agad eh!" Pagmamayabang niya.


Paano kasi, sa kanilang apat siya lang ang nagconfront sa akin.


"Oo nga. Kailan mo pa nga ba nalaman?" Tanong ni Liam.


"Matagal tagal na. Pero nung last last week ko pa siya cinonfront."


"Kaya pala palagi mong hinahanap si Vanessa o Iza." Pailing iling na sabi ni Gael.


"Yep. Sinasadya ko talagang hanapin kung sino yung wala." Natatawang kwento ni Zach.


"So wala ka talagang gusto kay Iza?" Biglang singit ni Charles. Tinapik siya sa balikat ni Zach.


"Syempre wala. Sayo yan eh." Tatawa tawang sabi ni Zach.


Natawa ako. Madalas kasing asarin ni Zach si Iza eh. Iniisip siguro nila may pagtingin sa akin si Zach. Well, ganon rin naman yung inisip ko nung una. And thank God, hindi nagkatotoo.


"Pero bakit hindi mo sinabi samin pre?" Pangungulit ni Liam, napakamot tuloy sa ulo si Zach.


Sabi na nga ba itatanong nila yan eh.


"I told him not to tell you. Ako ang dapat na magsabi." Singit ko sa usapan nila.


Ang pangit naman kasi kung malalaman nila sa ibang tao hindi ba? Mas mabuti ng sakin mismo manggaling.


Naramdaman kong inakbayan ako ni Charles.


"Atleast we're okay now." Nakangiti niyang sabi.


Yun ang mahalaga. Okay na kami ni Charles.


Pero may isa pang problema, si Auntie.


Hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa oras na malaman niya na yung sikreto ko.


Na palihim akong kumakanta sa resto ni Charles.


"Edi ang ibig sabihin, si Vanessa yung matagal mo nang hinahanap?" Napangiti ako sa tanong ni Liam.


Para silang mga detective na bumubuo ng kaso.


"Yep. I just realized that." Sabi ni Charles sabay tingin sa akin. Nginitian ko siya.


Sorry sa pagsisikreto.


Pero swear, gustong gusto ko talagang sabihin sa kanya na ako yung hinahanap niya pero wala akong lakas.


"Astig! Destiny talaga kayo sa isa't isa!" Natatawang sabi ni Liam na parang hindi makapaniwala.


"Wow! Naniniwala ka na rin sa love!" Asar ni Camille sa kanya.


"Kila Charles lang. Pero wala pa ring forever!" Sagot niya kay Camille.


"Sinong sumigaw ng walang forever?!" Napalingon kami sa nagsalita.


"Hi, Kelsea!!" Bati naming lahat. Ngumiti lang siya.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon