Chapter 47: World of Chances

7 1 0
                                    

CHAPTER 47

Luke's POV


Pagkaalis na pagkaalis ni Mama, agad akong nagpunta sa kwarto niya to get some information and papers.


Hindi pupwedeng wala siyang copy ng address ng doctor na yun.


Sinuyod ko yung cabinet niya pero wala akong nakita. Sinunod ko yung drawer niya, pero nakalock.


"Shit."


Nandito yung hinahanap ko panigurado.


Kinuha ko yung pardible na nakita ko kanina sa cabinet niya atsaka tinusok sa susian.


Hindi na ako nahirapan at dahan dahan kong binuksan yung drawer.


Napangiti ako sa nakita kong calling card.


"Bingo."


Nanakbo na ako palabas ng bahay dala ang papel na nakuha ko atsaka sumakay sa sasakyan ko. Wala sila dito, nasa Dance Class si Rachelle at nasa Eli's si Vanessa. Mabuti na rin yun.


Kailangan ko ng malaman ang totoo.


Pinaandar ko ang sasakyan papunta sa address ng hospital. Kailangang makausap ko ang doctor na yun.


Paano nagawa ni Mama ang bagay na yun? Paano niya nagawang kidnapin si Vanessa at palabasin na patay na ito? Anong dahilan?



Nang makarating na ako sa hospital, agad kong tinanong ang nurse sa counter kung nasaan yung doctor nila.


"Si Doc Martin po?" Tumango ako sa kanya.


"Sorry po, Sir. Nasa emergency room po---Sir!!"


Hindi ko pa siya pinapatapos magsalita ay tumakbo na ako sa ER.


Binilisan ko pa ang pagtakbo nang matanaw kong kakalabas lang ng doctor sa dulong kwarto.


Agad ko siyang isinandal sa pader atsaka kwinelyuhan.


"Totoo ba? Totoo bang kasabwat ka sa pagkidnap kay Vanessa Real?!!" Nanlalaki mata niya akong tiningnan.


"H-huh? What are y-you talking about?"


"Wag ka ng magsinungaling pa! Kasabwat ka ng Mama ko!!"


Sinubukan niya akong itulak pero hindi ko siya hinayaang makawala sa hawak ko.


Not this time.


"Magsasalita ka o isasama kita sa presinto?!" Nanlaki ang mata niya atsaka natatarantang itinaas ang mga kamay niya.


"W-wag! Magsasalita n-na ako!" Napangiti ako atsaka siya hinawakan sa batok.


"San ang kwarto mo?"


Agad naman niyang tinuro ang kwarto di kalayuan sa ER. Tinulak ko siya papasok.


"Magkano ibinayad sayo ng Mama ko?" Napansin ko siyang hindi mapakali at lingon ng lingon sa paligid.


"Subukan mong sumigaw, tatawag ako ng pulis." Pananakot ko.


Dahan dahan siyang umupo.


"Ano bang kailangan mo?"


"Impormasyon. Bakit niyo kinidnap si Vanessa? Bakit ipinalabas niyong patay na siya?"


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon