Chapter 38: Angels Among Us

27 0 0
                                    

CHAPTER 38

Vanessa's POV


"Mag arcade muna tayo!" Sigaw ni Zach. Binatukan siya ni Camille.


"Videoke!"


"Arcade!"


"Videoke nga!"


Bago pa makapagsalita si Zach, sinalpakan na ni Liam ang bibig ni Zach ng kinakain niyang popcorn.


"HEP!" Pigil niya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Zach.


"Sino may gusto ng arcade?" Tanong ni Dorothy.


Nagtaas naman ng kamay si Charles, Liam, Gael, Zach, at Joe.


"Paano ba yan? Quits lang." Natatawang sabi ni Zach. Inirapan siya ni Camille.


Gusto kong magface palm sa kanila.


Kanina pa kami pinagtitinginan dito sa labas ng gamezone dahil nga nagtatalo sila kung ano ang uunahin.


Nakakahiya.


"Sayang wala si Vanessa para may sobrang isa." Nakangising sabi ni Zach sabay tingin sakin.


Nang aasar ba siya?!


"Jack en poy nalang kayo!" Suggest ni Liam.


Nagbanat naman ng buto yung dalawa at nagready na.


Gusto kong matawa. Mukha silang baliw.


Parang mga bata.


"Jack en poy, hale hale hoy. Kung sinong matalo, siya'ng unggoy!"


Nagsigawan na naman sila.


"Boom panes! Unggoy ka!" Pang aasar ni Zach kay Camille. Siniko lang siya nito sa tiyan.


"Madaya ka!"


Nagkibit balikat lang si Zach atsaka nauna nang pumasok sa gamezone nang may ngisi sa labi.


Napailing nalang ako sa kanila atsaka tinapik si Camille.


"You really suck at that game." Napapout siya sa sinabi ko.


Totoo naman, palagi ko siyang talo sa ganyang game.


Nagsipwesto na yung mga boys para maglaro. Nanatili kaming nakatayo sa likuran nila.


Manonood nalang kami.


"Oh, ano pang hinihintay niyo?" Napakunot noo namin sa sinabi ni Joe.


Wait.


"What?" Tanong ni Monique.


Tinuro ni Joe yung mga pwesto sa harap nila. Talikuran ng machine nila.


"Anong gagawin namin dyan?"


"Edi kakalabanin kami." Maangas na sabi ni Zach. Nagkatinginan kami.


Nagpatunog ng close fist si Camille atsaka umupo.


"Let's bring it on!"


Wala na kaming magawa kundi ang magsiupo nalang. Ang labas namin eh nakahilera ang team namin at katapat naman namin ang team ni Zach.


Katapat ko si Gael. Si Joe at Dorothy. Si Zach at Camille. Si Monique at Liam. Si Jasmine at Charles.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon