Chapter 51: Everything You're Not

7 1 0
                                    

CHAPTER 51

Vanessa's POV


"Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.


"Bes.." Patuloy pa rin siya sa pag iyak kaya lalo akong nag alala.


"Ano bang nangyari?"


"Naguguluhan na ako. Pwede bang mag overnight ka dito?" Napakunot yung noo ko.


May problema siguro si Camille. Kaya rin siguro wala siya dito.


Nag aalala ako sa kanya. Naninibago ako na malungkot yung boses niya. Hindi ganon ang kilala kong Camille eh.



Nagpaalam ako sa kanila na kila Camille muna ako magstay. Pinayagan naman ako nila Mama at Papa. Hinatid nila ako sa bahay nila Camille.


"Hello po Tita." Bati ko sa Mama niya. Humalik naman siya sa pisngi ko.


"Kumain ka muna." Nakangiting sabi niya, umiling ako.


"May dala nga po pala akong ice cream." Inilapag ko yung isang gallon sa lamesa at dinala naman yung isa. Alam ko kasing kailangan ni Camz ng dessert ngayon.


"Ay salamat. Sige, puntahan mo na si Camz sa kwarto niya. Baka nanonood lang yun." Tumango ako sa kanya atsaka umakyat sa taas.


Natagpuan ko naman siyang nakahilata sa kama niya at nakatulala sa kisame. Ano bang problema ng babaeng to?


"Bes." Tawag ko.


Inilapag ko sa side table niya yung ice cream. Napakunot yung noo ko nang makita ko siyang nakatulala pa rin.


"Camille." Tawag ko sa pangalan niya. Napalingon naman siya sakin.


"Problema mo?" Tanong ko pa.


"Brokenhearted ata ako." Tulalang sabi niya.


Huh? Brokenhearted?


"Kanino naman?"


Wala naman siyang nakukwento na nagugustuhan niya ah? Nagtatago ba siya ng sikreto sakin?


"Naniniwala ka ba na the more you hate, the more you love?" Napakamot ako sa ulo ko.


Ano bang nangyayari sa bestfriend ko?


"Pakiramdam ko kasi gusto ko na siya eh." Wala sa sarili niyang sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon