Chapter 35: Moves Me

15 1 0
                                    

CHAPTER 35

Zach's POV


"From the top!" Sigaw ng choreo namin at saka pinlay yung tugtog sa stereo.


Umayos na kami ng pwesto.


Got me feeling like,
Look, girl you got me faded
Like I downed the whole bottle
Yeah, you walked in the room
Looking like a Victoria's Secret model
Throw your number in my iPhone
And then let me take you home
I swear I think I fell in love
Either that or my drink's too strong


Took a walk on the clouds, fell asleep on the moon
And I'm not coming down, now that I'm with you
If we ever wake up, don't know what I would do
Are we really in love
Or dazed and confused
Got me feeling like, yeah♪


Tumugtog na yung kanta at nagsimula na kaming sumayaw.


Andito ako sa dance workshop at tinuturuan kami ni Sir Carlos ng bagong sayaw.


By partner ito kaya inaayos ko talaga ang pagsasayaw. Nakakahiya naman kasi.


"Aww!" Sigaw ng katabi ko.


Shit.


"Hala, sorry Jennifer. Masakit ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Titingnan ko pa sana yung paa niya pero bigla siyang lumayo.


Inirapan niya lang ako.


Ang sungit naman.


Zach naman kasi, umayos ka ng pagsasayaw. Natapakan mo tuloy yung partner mo.


"Sige, break muna. 10 minutes." Announce ni Sir Carlos.


Naglakad nalang ako papunta sa gilid ng studio at kinuha yung bote ko ng tubig.


Napalingon ako kay Jennifer na nasa kabilang banda at katapat ng pwesto ko. Nagulat ako nang tingnan niya ako pero inirapan niya lang ulit ako.


Wala na nga ata akong pag asa sa babaeng to.


Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko at nakita kong si Liam yung tumatawag.


"Oh?"


"Hi babe!" Maarte niyang sabi. Naningkit yung mga mata ko.


"Umayos kang ungas ka." Inis kong pagbabanta sa kanya.


Narinig ko siyang humagikgik.


"Sorry na babe. Hihihihi."


"Siraulo kang hayup ka. Wag kang tatawag!" Sigaw ko sa kanya. Ano bang trip ng isang to?


"Eto na, serious na." Natatawa niyang sabi.


Napasabunot ako sa buhok ko. Unggoy talaga tong Liam na to.


"Bakit ba?" Inip kong tanong.


Nakita ko namang nagpapractice si Jennifer ng step niya.


Ang galing niya talaga sumayaw.


"Hoy pre, nakikinig ka ba?!" Nabalik ako sa wisyo ko nang marinig kong sumigaw si Liam.


"Sorry, ano nga ulit?"


Masyado kasi akong natulala kay Jennifer. Ang ganda na, ang galing pa sumayaw. Hay.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon