CHAPTER 34
Vanessa's POV
Simula ng confrontation namin ni Zach, naging matipid na ako sa mga kilos ko.
Napag usapan namin ni Zach na hindi niya sasabihin basta may condition siya.
At hanggang ngayon, hindi niya pa alam ang condition na yun.
Basta safe ang secret ko sa kanya.
"Vanessa! Come down here!" Dinig kong sigaw ni Auntie.
Nanakbo ako pababa sa sala at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko si Mr. and Mrs. Valdez na nasa sala.
"Magtimpla ka ng juice. Bilis!" Sigaw sa akin ni Auntie. Tumango ako atsaka nagpunta sa kusina.
Nakita ko naman sila Manang na busyng busy sa pagluluto ng almusal.
Pagkatapos kong magtimpla ng juice, hinatid ko na iyo sa kanila.
Nagtungo nalang ako sa garden sa likod. Tatawagin nalang ako nila Auntie kapag may kailangan pa sila.
Binibisita siguro nila si Rachelle.
Ang swerte naman niya, dalawa pamilya niya. Samantalang ako, hindi nabiyayaan. Iniwan pa.
Tinext ko nalang si Zach.
To: Zach
Naisip mo na condition mo?
Hindi ko rin maintindihan to si Zach eh. Pinapatagal pa.
From: Zach
I'm thinking about it.
Reply niya.
Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at napapikit.
"Are you okay?"
Napatalon ako sa nagsalita.
"Tita Lily?" Tawag ko.
Umupo siya sa tabi ko at ngumuso.
"Looks like you are a little bit bothered. Problem? Love life?" Natawa ako sa tanong niya.
"Hindi po. Bored lang." Nakangiti kong sabi. Tumango tango naman siya.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin patayo.
Hala, baka makita kami ni Auntie!
"Tita." Pigil ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Patuloy lang siya sa paghila sa akin.
"She'll come with us." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya nang makarating kami kina Auntie at Tito Jack.
Anong sinasabi ni Tita?!
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Auntie kaya lalo akong nataranta.
"Teka lang po." Singit ko.
"What do you mean, she'll come with you?" Pag uulit ni Auntie. Sign na inis siya.
Palagi niyang inuulit yung sinabi ng kausap niya kapag galit siya.
Oh boy.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad