Chapter 49: Father

7 0 0
                                    

CHAPTER 49

Vanessa's POV


"Anong nangyayari? Bakit tayo kinulong ni Auntie?" Tanong ko kay Rachelle.


Kanina pa ako naguguluhan.


"Maghintay nalang tayo. Darating din sila." Simpleng sagot niya.


"Ha?"


Sinong darating?


"Naguguluhan ako."


Naramdaman ko ang pagdikit ng braso niya sa braso ko. Umupo siya sa tabi ko.


Medyo madilim kasi walang ilaw dito, lalo pa ngayon gabi na.


"Mamaya na masasagot lahat ng katanungan mo." Dinig kong sabi niya.


Katanungan? Anong mga katanungan?


Ano ba kasing pinagsasasabi ni Rachelle? Gulong gulo na isip ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit kami nandito eh.


Nanatili kaming tahimik. Walang nagsasalita sa amin kaya naisipan kong kumanta.


I've always been the kind of girl
That hid my face
So afraid to tell the world
What I've got to say♪


"Vanessa, sorry sa lahat ng nagawa ko." Dinig kong sabi niya. Nagbuntong hininga naman ako.


"Tapos na yun."


Pinatawad ko na siya.


"Sorry talaga. Ang laki ng kasalanan namin sayo."


Ano ba naman tong si Rachelle. Nakailang sorry na siya sa akin. Sapat na yun. Okay na yun. Hindi niya naman na gagawin ulit yun.


"Paano yan? May concert na inorganize si Mama." Malungkot na sabi niya.


Alam ko, ayaw niya na. Ayaw niya ng magpanggap. Ayaw niya ng manloko ng mga tao.


"Okay lang, last na to. Sayang naman." Nakangiting sabi ko kahit na hindi niya ako nakikita.


"May tanong ako." Biglang sabi niya.


"Ano yun?"


"Anong ibig sabihin kapag tumitibok ng mabilis yung puso mo kapag nakikita mo yung isang tao?" Napangiti ako sa sinabi niya.


Sabi na nga ba, magagawa ko rin yung plano ko eh. Sino ba namang hindi mahuhulog agad kay Zach?


Loko loko man yun pero mabait yun at maalaga.


"Si Zach ba?" Narinig ko ang mahinang pag ubo niya.


"Uhm. Sagutin mo nalang yung tanong ko." Gusto kong matawa. Si Rachelle, nahihiya?


"Feeling ko namumula ka." Pang aasar ko pa. Naramdaman ko naman ang pagpalo niya sa braso ko.


"Shut up."


Napakasungit talaga nito.


"Ibig sabihin nun, gusto mo siya." Sagot ko sa nauna niyang tanong.


"Pero hindi pwede." Nagtaka ako sa isinagot niya.


"Bakit hindi pwede?"


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon