CHAPTER 21
Charles' POV
"Uy pards, ngiting ngiti ah?" Natatawang sabi ni Liam habang sinusuntok yung balikat ko. Napailing nalang ako. Baliw.
"Amoy pag ibig." Pang aasar pa ni Zach. Binato ko sila ng unan.
Nandito sila sa bahay ko. Andito sila sa kwarto ko. Nanggugulo.
"Sira."
"Yieee ngingiti na yan." Pang aasar ni Zach sabay tusok sa tagiliran ko.
"Shit!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko. Mga hayop na to, ako pa pinagtripan.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo?" Natatawang sabi ni Gael sabay lapit sa pwesto ko.
"Ano ba yan pre! Kailangan pa bang i-search yan?!" Gulat na sabi ni Liam nang dumungaw siya sa laptop ko.
Bakit ba?
"Wala ka talagang diskarte." Iiling iling na sabi ni Zach sabay tapik sa likod ko.
"Wala kasi akong maisip."
"Tol, kung gusto mo siyang isurprise, do it how you want it to be." Nakangiting sabi ni Gael.
"Di mo na kailangan pang magresearch. Ang sweet hormones, kusa yang lalabas sa katawan mo. Depende nalang kung wala ka talaga nun." Pang aasar pa ni Zach. Sinamaan ko siya ng tingin.
Eh pano ba naman, noche buena na mamaya pero wala akong maisip na surprise kay Vanessa.
Kaya eto, naisipan kong magresearch.
Ano nga bang gagawin ko.
"Eh kung yayain mo kaya sa resto mo?" Napalingon ako kay Gael.
Sa resto ko?
"Oo. Kantahan mo. Mga ganun." Dagdag niya pa. Napaisip ako.
"Ano namang kakantahin ko?"
"Tinatanong pa ba yan? Ikaw si Charles! Alam mo na yan!" Tatawa tawang sabi ni Liam. Napapoker face nalang ako.
Ang galing talaga nila tumulong.
* * *
"Ayos na ba itsura ko?"
"Tol, naka ilang suklay ka na dyan sa buhok mo."
"Nakakainis ka na ha." Rinig kong reklamo nila. Nilingon ko naman sila atsaka tinawanan.
Nandito kasi ako sa resto. May performance din ang SG band ngayon at inimbitahan ko si Vanessa na manood.
"Sobra na yang pagpapapogi mo. Baka maungusan mo na ako." Tatawa tawang sabi ni Zach.
*phone rings*
"Hello?"
"Charles?"
"Oh, bakit? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko kay Vanessa.
"Uhmm, ano, okay lang ba kung malelate ako ng punta?" Napatigil ako. Malelate siya?
Tiningnan ko sila Zach. Nagthumbs up ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad