Chapter 6: Bad Chick

105 10 24
                                    

CHAPTER 6


Vanessa's POV

"Ito?" Tanong ko sa kanila paglabas ko ng dressing room sabay ikot sa harapan nila.

Sabay sabay naman silang napailing. Ayaw padin? *pouts*

Nagsukat pa ulit ako ng mga limang damit pero hindi parin nila nagustuhan. Enebenemenyen.

Oo nga pala, nasa boutique kami at namimili ng damit. I-me-make over nila ako para sa disguise ko kapag kumakanta yung banda.

"Masyadong halata na ikaw parin yan eh. Girly parin kasi pinipili mo." Sabi ni Camille habang kumakain ng ice cream. 

"Eh anong pipiliin ko? Yung mga pang manang na damit?" Tanong ko habang nakanguso.

"Sira, edi wala ng manonood ng performance mo pag mukhang madre ang itsura ng vocalist." Natatawang sabi ni Camille. Natawa naman sila.

Eh kasi naman, lahat ng isukat ko, ayaw. Nakakapagod kaya ano?

Ano ba kasing babagay sakin? Yung hindi talaga ako makikita at makikilala?

"Ibahin mo. Opposite ng porma mo ngayon." Sabi ni Jasmine. Opposite?

"Gothic style ang gawin mo, o kaya emo style." Seryosong sabi ni Joe.

"So dapat all black?" Nakangiwing sabi ko.

All black? Emo lang?

That's so not me.

Magmumukha naman akong bampira non!

"Indeed!" Biglang sabi ni Monique kaya napalingon kami sa kanya.

Seryoso ba sila?

"Opposite yun ng personality mo kaya malabong mahulaan nilang ikaw nga yun! Emo style!" Sabi niya habang nakangiti.

Kanya kanyang kuha na naman sila ng damit na ipapasuot sakin tsaka nila ako tinulak papasok sa dressing room. 

Anak ng towa naman.

Baka magmukha akong adik nito. Puro black.

"Perfect!" Sabay sabay na sigaw nila. Napangiti nalang si Joe. Eh? Si Joe? Ngumiti? Magpapamisa na ba ako?

"You look good Vanessa! Very nice transformation! Hindi ka nga nila makikilala sa damit mo." Sabi ni Monique sabay tapat sakin sa salamin.

"Yow, bad chick!" Nakangiting sabi ni Camille atsaka ako inakbayan.

Kahit ako, hindi ko na nakilala yung sarili ko.

Matinding pagtitiis ang kakaharapin ko dito dahil fitted black jeans ang pinasuot sakin at black fitted na sando.

Geeeeez, hindi ako sanay! Hindi ako nagsasando sa labas! Sa loob ng bahay pwede pa.

Bumili nalang sila ng paldang black na super duper sa iksi, may tube na black na labas yung pusod, dark blue na blaizer, mga malalaki na polong pambabae na kakulay ng jeans, mga mini short, blue jeans, t shirt na black na labas yung isang balikat at hanggang tiyan, at bumili sila ng mga black na high heels.

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon