Chapter 32: Without the Love

26 1 0
                                    

CHAPTER 32

Jasmine's POV



"Babe? Free ka ba mamaya?" Tanong ko sa kabilang linya. Nagtaka ako.


Walang sumasagot.


Ah, Jasmine. Baka naman may klase si Logan ano?


Pinatay ko nalang yung tawag ko. Baka nasa klase pa nga siya. Mamaya ko nalang ulit siya tatawagan. Baka sabihin niya na namang clingy ako.


"Uy, Joe." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya agad sa akin.


"Mauna ka na sa resto. Dadaan lang ako sa school ni Logan." Nakangiti kong sabi sa kanya.


Tumango naman siya bilang sagot.


Dapat kasi sabay kaming pupunta since magkaklase na kami at sabay kami ng uwian. Eh kaso naisip kong yayain munang kumain si Logan sa labas.


Ako na ang gumagawa ng paraan para lumapit ulit yung loob niya sakin. Namimiss ko na kasi yung dati.


Yung tuwing uwian ko, susunduin niya ako tapos kakain kami sa labas.


Gusto ko na siyang bumalik.


Gusto ko yung dating Logan.


Masyado na distant yung Logan ngayon.


Minsan nga nalulungkot ako, naiisip ko na hindi niya na ako mahal. Pero tuwing nag a-I love you naman ako, sumasagot siya. Once in a blue moon nga lang. Hindi na tulad ng dati na siya ang mahilig magsabi ng I love you.


"Wag kang malelate ha." Tinapik ako ni Joe bago lumabas ng classroom.


Paglabas ko naman ng classroom, walang Gael na nakasandal sa pader at naghihintay sa akin.


Wala.


Wala ng Gael na laging sumasama sakin kapag mag isa lang ako.


Wala ng Gael na nagpapasaya sakin kapag malungkot ako dahil hindi ako nireplyan ni Logan.


Wala ng Gael na sasama sakin kapag busy si Logan.


Wala ng Gael na naghihintay sakin kapag break time.


Wala na.


Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa school ni Logan. Hindi naman yun kalayuan dito.

This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon