CHAPTER 42
Charles' POV
"Charles!! Buksan mo to!!"
Napabangon ako sa kama ko nang marinig ko ang boses ni Zach sa labas. Balak niya atang gibain ang pintuan ko sa sobrang lakas ng pagkatok niya.
Teka, anong oras na ba?
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kagabi sa sobrang pagkalasing.
"Charles!!!"
Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa pintuan. Hindi ako titigilan ng isang to.
"Ano bang--"
Hindi ko pa man nabubuo ang sasabihin ko, sinalubong na ako ng kamao ni Zach kaya natumba ako sa sahig. Napahawak ako sa pisngi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"What the fuck, Zach?!"
Kwinelyuhan niya ako. Nakita ko naman si Liam at Gael na pinipigilan siya.
Ano bang problema ng isang to at bigla nalang manununtok?
"Gago ka ba ha?! Iniwan mo nalang basta basta si Vanessa!" Kumunot yung noo ko.
Ano naman?
Bakit sa akin sila nagagalit?
Matapos ng ginawa niyang panloloko samin, si Vanessa pa rin kinakampihan nila?
Kaibigan ko ba talaga sila?
"I don't care."
Ayoko siyang makita.
"You don't care? Gago ka talaga! Alam no bang muntikan ng ma-rape si Vanessa nang dahil sayo?!" Galit na galit niyang sabi sakin.
Natigilan ako. Nanikip yung dibdib ko.
"A-ano?"
Parang nauubusan ako ng hininga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
"Oo, tama ang dinig mo, Charles. Napahamak si Vanessa dahil sayo." Yang mga salitang yan ang sumaksak sa puso ko.
Napaupo ako sa sahig.
Ilang beses akong napakurap.
Anong ginawa ko?
"Alam mo ba kung ano ang mas nakakatawa? Yung ikaw yung inaasahan niya sa mga oras na yun pero wala, hindi mo siya binalikan. Kung hindi ako dumating, hindi lang suntok ang inabot mo."
"H-hindi ko naman..."
Hindi ko naman sinasadya.
"Wag kang magpakaduwag, pre. Harapin mo siya. Buksan mo utak mo. Hindi mo ikamamatay ang simpleng pagkinig sa explanation niya." Huling sinabi ni Zach atsaka lumabas kasama si Gael at Liam.
Bigla akong natauhan.
Napakamot ako sa ulo. Hindi ko na napansing may luhang pumatak sa pisngi ko.
Sobrang tanga ko para iwan siya.
Sobrang tanga ko para talikuran siya.
Sobrang tanga ko para hindi siya pakinggan.
BINABASA MO ANG
This is Me
Roman pour AdolescentsShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad