Chapter 16: Heart Attack

32 1 0
                                    

CHAPTER 16

Vanessa's POV


Today is a special day of my life.


Special nga ba?


"Vanessa, mag mop ka nga sa sala!" Umagang umagang utos ni Auntie.


Napasimangot ako.


Kabababa ko palang ng hagdan, utos agad ang sumalubong sa akin.


Ni hindi pa nga ako nakakapagalmusal eh.


"Maglinis ka ng bahay. Aalis kami."


Kakaibang saya ang naramdaman ko nang marinig ko ang sinabi ni Auntie.


Gusto kong sumigaw sa tuwa.


Aalis sila?!


For real?!


"1 day kaming mawawala. Kaya pag uwi namin bukas, dapat malinis ang bahay. You understand?" Dali dali akong tumango sa kanya.


Okay lang na umalis sila.


Kahit forever na silang umalis, okay lang. Magpapaparty pa ako.


Ginawa ko ka agad yung inutos niya. Nagwalis ako ng sahig, nagmop, nagpunas ng mga furnitures, pati mga bintana pinunasan ko.


Mag isa ako sa bahay. Walang Auntie, walang Rachelle, walang Luke.


Kahit one day lang yun natutuwa pa rin ako.


Ang saya saya!


Nilinis ko yung sala, kitchen, pati yung garage namin. Nagpatugtog pa nga ako sa speakers namin at sinabayan ko pa yung kanta.


"Iha, baka mabigla naman yung katawan mo." Nag aalalang sabi ni Manang. Nginitian ko naman siya.


"Mas nangingibabaw po yung tuwa kesa sa pagod."


Natutuwa kasi ako ng sobra.


"Natutuwa naman akong makita kang nakangiti." Sabi niya na ikinatuwa ko naman.


"Halika, saluhan mo muna ako sa simpleng pansit na niluto ko." Pagyaya niya sa akin.


Sumunod naman ako sa kanya patungo sa kusina. Ang saya lang. Ang ganda ng simula ng araw ko.


* * *


Dumiretso ako sa school after kong matapos yung paglilinis ko sa bahay.


Excited na excited akong pumasok eh.


Tumungo na ako sa room at naabutan ko si Charles at Camille na parehong busy sa cellphone nila.


"Hi." Nakangiting bati ko sa dalawa. Nginitian lang nila ako.


Eh?


Malungkot akong umupo sa gitna nila Charles at Camille.


"Uy, oo nga pala bestfriend." Lumingon ako agad kay Camille habang nakangiti.


Hinihintay ko yung susunod niyang sabihin.


Ayan na. Ayan na.


Sabi na nga ba hindi niya pwedeng makalimutan eh. Hindi makakalimutan ng bestfriend ko ang special na araw na to!


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon