[18] Trending

1.7K 66 2
                                    

Dedicated to: Coldliegh

Thanks for voting!

******

Chaerin's POV

Nandito ako ngayon sa kusina. Nagluluto ng kung anong maluto.

Pinag-stay ako ni Jiyong dito. Akala ko nag-aalala sa akin dahil gabi na, magpapaluto lang pala ng pagkain niya.

Wala naman akong magawa.

Andaya nga eh. Alam ko, PA lang niya ako pero hindi katulong.

"Matagal pa ba 'yan?" tanong niya mula sa dining area.

"Malapit na." sagot ko naman.

Nang matapos na akong magluto, hinain ko na 'yon sa kanya.

Nagsimula na siyang kumain habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Join me here," alok niya.

Nagugutom na din ako kaya hindi na ako umapila at sumunod na lang.

Kumakain kaming pareho nang biglang tumunog ang cellphone.

Si Dara tumatawag.

"Hello?" sagot ko.

[Hello, Chae? Nasaan ka? Pauwi ka na ba?]

Napatigil naman ako sandali. Napatingin ako kay Jiyong na kumakain pa.

"Uhm...Dara, di ako uuwi. Pinagstay kasi ako ni Jiyong dito eh" mahina kong sabi baka kasi marinig ni Jiyong.

[Ha?! Pero...alam mo na ba 'yung tungkol sa news?]

Medyo nagtaka naman ako sa tanong niya. News? Anong meron sa balita ngayon? Di kasi ako nakakapanood ng tv noong mga nakaraan.

"Anong news?" tanong ko.

['Yung sa convinience store. Yung na-spot kayo ni Jiyong. Hala ka, Chae. Trending kayo.]

"ANO?!"

Napasigaw ako sa binalita ni Dara. Alam ko naman na mababalita talaga 'yon at lalabas sa media pero di ko naman inexpect na magtre-trwnding 'yon.

Pa'no na nalang kapag may ibang makakilala sa akin? Siguradong patay ako nito sa mga fans gayong di naman nila alam na PA ako ni Jiyong.

Si Mr. YG pa pala!

Napatingin ako kay Jiyong na mukhang nagulat din sa pagsigaw ko. Binigyan ko na lang siya ng awkward s

[Pero di ka naman nakilala. Si Jiyong lang.]

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti naman.

Napatingin ulit ako sa kasama ko at nakatitig pa rin siya sa akin.

"A-ah..ganun ba? S-sige..salamat sa pagpapaalam..sige na, bye bye." sabi ko na lang kay Dara.

"Okay b---" pinatay ko na ang tawag.

"What's that?" tanong sa'kin ni Jiyong. Sasabihin ko ba? Di bale, malalaman din naman niya.

"'Yung...nagtrending daw tayo sa media..binalita lang ni Dara."

Napatango-tango naman siya.

"Di kaya magalit sila?" tanong ko.

"Maybe not, but i'm sure they will. What would you expect? Na maging masaya sila kapag nakita nila akong may kasamang babae?"

"Pero..."

"Just think about it. How about you, di ka ba magagalit kapag may nakita kang babae na kasama si GDragon?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kilala mo si GDragon?!"

"I came from Seoul, remember? And..I accidentally saw him on your phone with some hearts around him."

Nakita niya phone ko? Nako po!

"Di mo naman pinakialaman lahat sa gallery ko diba?" tanong ko sa kanya.

May mga pictures pa kasi kami doon. Ewan ko ba kung bakit di ko pa rin binubura. Pero dahil hindi na ligtas ang phone ko sa kanya, buburahin ko na talaga.

"Nope. I didn't. Bakit, may dapat ba akong makita?"

Umiling naman ako. Buti naman. Buti na lang talaga.

Kumain na lang kami ulit.

Bigla namang nagring ulit ang phone ko.

Si Minzy tumatawag.

"Hello?"

[Chaerin!!]

"B-Bom?!"

Akala ko si Minzy tumatawag...siya lang pala. Paraparaan din eh.

[Haha! Oo, ako nga. Tumawag lang ako para ipaalam na may swimming tayo sa next week. Sagot daw ng friend ko lahat ng gastos.]

"Ha? Okay. Pero, sinong kaibigan mo?"

[Basta. Basta. Mame-meet mo din siya next week. So, bye na. Nanghiram lang ako ng phone kay Minzy. Bye bye!!!]

Di na ako sumagot at binaba na ang tawag.

"You have an outing?" tanong ni Jiyong.

Paano niya nalaman?

"Bom's voice are quite loud." sabi niya.

"We also have an outing next week. So I guess, you can't come with me?" poker face niyang sabi sa akin.

"Bonding namin yun eh. Papayagan mo naman ako diba?" paninigurado ko.

Pumayag ka. Pumayag ka. Cross finger here.

"Sure. Di ko naman kailang ng butot."sabi niya.

Grabe, buntot talaga?

****

Ready na ba kayo sa outing? Sasama tayo sa kanila, guys! Maghanda na kayo libre ko haha!

- ฅ'ω'ฅ

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon