Jiyong's POV
(AN: namiss niyo ba si Jiyong? Ako kasi, oo eh yii~ Pero, mas mamimiss ko si TOP 😭😭)
Naglalakad-lakad kami ni Chaerin ngayon. Holding hands pa. Mukha kaming teenager na kapapasok lang sa relasyon. Pero, wala akong pake. Sino ba may sabing porque mag-asawa na, bawal nang bumalik sa dati?
(wala naman.)
"Jiyong, sigurado ka bang gusto mong maglakad-lakad ngayon?" tanong sa akin ng asawa ko. Ang sarap palang pakinggang ano? Asawa ko.
"Yup. Why?" tanong ko.
Nginuso naman niya ang mga taong kasabayan at nakakasalubong namin. "pinagtitinginan ka kasi nila." sagot niya.
"Let them. Ang gwapo kasi ng kasama mo." sabi ko at nginitian siya.
Inirapan naman niya ako. "Ang yabang neto! Let them, let them, ka pang nalalaman diyan. Edi sa kanila ka na!"
Lumayo naman siya sa akin nang kaunti. Pero lumapit agad ako at inakbayan siya. "Too bad, kasal na ang gwaping tulad ko. At kahit kailan, hinding-hindi na nila ako maagaw pa. Dahil iyong-iyo lang ako."
Marahan naman niya akong siniko. "Ang corny mo."
"Corny? Kinikilig ka naman." banat ko. Kitang-kita ko kaya ang pamumula ng mukha niya.
Sa loob lang naman kami ng subdivision kung saan kami nakatira naglalakad ngayon.
"Jiyong.." napatingin naman ako sa kanya. "hmm?"
"Uh..ano..gusto..gusto mo bang.. Mag--kumain? Medyo nagugutom na kasi ako eh." tumango naman ako sa kanya at hinila siya sa malapit na bench.
"Ako na ang bibili. Just wait me here." prisinta ko at bumili na. Dalawang Corndogs lang ang binili ko at dalawnag coke in can na rin.
Pagbalik ko, nakaupo pa rin siya doon at parang ang lalim ng iniisip. May problema ba? Tumabi na ako sa kanya pero parang wala lang. Di ba niya ako napansin o di lang talaga niya ako pinapansin?
"Hey, ba--"
"Uy, andiyan ka pala? Kanina ka pa ba? Pasensiya na, may iniisip lang naman ako. Pero, wag mo nang inti--"
Binaba kobsaglit yung mga pagkain at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Hey! Relax, relax." sabi ko. "Tell me. Ano ba kasi iniisip mo?"
She sighs. "Kasi..ano..naisip ko lang naman na baka, alam mo na..." paputol-putol niyang sabi kaya wala akong naintindihan. Kinuha ko yung isang Coke at ininum yon nang magtanong siya.
"gusto mo na bang magka-baby?"
Muntik-muntikan ko nang maibuga kay Chaerin yung iniinom ko. Buti naman, napigilan ko..
"Ha?" bigla kong tanong. "Syempre naman gusto ko. Pero, nasa sa'yo naman. Kung hindi ka pa ready, handa akong hintayin ka."
Tumango naman siya. "Bakit mo nga pala naitanong?" sabi ko bago ulit uminom.
"Si Dara kasi, nabuntis ni Taeyang--oh my Ghad!"
Yun na. Naibuga ko na talaga nang tuluyan yung iniinom ko. Sakto pa sa tee shirt ni Chae. Aish. Bakit ba kasi ako masyadong nakadikit sa kanya? Nakanang naman!
"Okay ka lang ba?!" tanong ni Chae. Tumango naman ako. "Nagulat lang."
Tinignan ko naman siya."Basa na yang damit mo, tara na, uwi na tayo para makapagpalit ka." tumayo na ako at hinawakan ang kamay niya para tuluyan siyang tumayo. Pero, hinila niya ako.
"Ayokong umuwi ng bahay. Tutal, sabi mo naman, hayaan ko lang ang mga nagtitinginan, edi tara na! Punta tayong mall dali!"
Chaerin's POV
Nandito na kami sa mall ngayon..
At kung iniisip niyo na napaka-walang hiya kong tao dahil gagala ako nang ganito ang itsura ko pwes... Nahihiya rin naman ako. Hinila ko lang dito si Jiyong para mapalitan na 'tong suot ko. Marami naman na akong damit pero kasi... Eehh gusto ko ng couple shirt! Diba 'in' yun ngayon sa mga millennial? Edi makikiuso na din ako!
"Tara, doon tayo!" hinila ko na si Jiyong sa malapit na boutique. Andaming shirts doon. May bestie-shirts, varsity shirts, family shirts and tenen!! Couple Shirt!
"Kumikinang yang mata mo?" di ko pinansin si Jiyong at lumapit na sa mga rack ng damit. Ang cute naman ng mga damit dito.
Merong mga nakalagay na 'His & Her'; 'He's Mine & She's Mine'; 'Baby Girl & Baby Boy'... Pero alam niyo ba kung anong nakatawag ng pansin ko?
"Yii~ try mo, dali!" bakit tunog Dara yata ako ngayon?
Tinignan naman ni Jiyong yung design ng shirt na binigay ko sa kanya. "King?" tanong niya.
"Oo, tapos Queen yung akin. Sukat mo dali para bagay tayo!"
Nginisian niya lang ako at binalik sa akin yung shirt na may nakalagay na 'King'. "Di naman kailangan. Isa pa, bagay naman tayong dalawa kahit di tayo nakasuot ng ganyan."
Napasimangot naman ako agad. Ang kill joy. Di ba niya nakikita kung gaano ako kaexcited na magkaroon kami ng couple shirt?
Tumalikod na ako at bumalik sa kinuhaan ko ng damit. Bigla namang may lumapit sa aking babae.
"Excuse, Ma'am, kukunin niyo na po ba yan?" para akong naasar sa tanong nitong saleslady na 'to. Di ba niya nakikita na ibinabalik ko na dahil ayaw nga ni Jiyong?!
Pareho lang sila ng asawa ko eh, "psh. Kita na nga, di man lang makaramdam." bulong ko at binalik na ang shirt nang may biglang kumuha sa kamay ko.
"Kukunin na namin."
Napatingin naman ako sa kumuha ng tee shirt. Napasimangot ulit ako. "Akala ko ba ayaw mo?" tanong ko kay Jiyong. Oo, si Jiyong, yung asawa ko.
Natulala naman bigla sa amin yung saleslady. "K-Kwon...Ji-jiyong..." bulong niya.
"Uhm, kukunin na namin yan." sabi ko doon sa babae kaya naman mukha siyang natauhan.
"Ah, o-okay po, Ma'am. Akin na po." sabi niya at ginayak kami sa counter.
Pagtapos naming makabili ng damit, nagpalit na kami agad. Paglabas ko ng CR ng mga babae, naabutan ko si Jiyong na pinalilibutan ng mga fangirls niya. Tumambay daw ba kasi sa tapat ng washroom ng mga babae?
Nang mapansin niya ako, agad siyang lumapit sa akin. Iniwan na niya yung nga nagpapapicture sa kanya at inakbayan ako habang naglalakad kami.
"Akala ko ayaw mo nitong couple shirt?" tanong ko.
"Di ko naman sinabing ayaw ko. Ang sabi ko lang, di naman masyadong kailangan. Malay ko bang gusto mo pala? Sana sinabi mo agad." sagot niya. "Kung anong gusto mo, gusto ko na rin. You're my Queen, right?"
Di nalang ako sumagot. Ayaw kasing umalis ng ngiti ko eh. Kinikilig ako dito para akong timang. Hindi ko alam kung tinatawag niya ba akong 'Queen' dahil ayon ako sa kanya o dahil sa nakadesign sa shirt na suot ko ngayon.
"Oh my Gee! Si Kwon Jiyong 'yon diba?"
"Kyyaaa~ Oo nga! Tapos together pa sila ng asawa niya!"
"Si Lee Chaerin siya diba?"
"Correction. Kwon Chaerin na 'no! Saka, look oh! Ang cute nila sa couple shirt nila."
"Yii~ Queen and King! Bagay na bagay, OTP ko na sila."
Puro bulungan ng mga teenager na nakakakita sa amin ang naririnig ko. OTP? One True Pairing? Ang cute naman. Pero bakit mas gusto kong marinig yung 'OTL' hindi yung nakaluhod na emoticon ah?
One True Love.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)