[38] Mr. & Mrs. Kwon

800 19 6
                                    

A/N: alam kong late na 'tong UD ko so sorry talaga. Nawala yung biggest inspiration ko eh. At alam kong alam niyo kung ano yun. But anyways, magthank you kayo sa bagong nagpapangiti sa akin lol. Yun lang. Magdouble update ako next time.

***
Dara's POV

Waaa! Ayieee~

Kinalabit ko si Taeyang sa tabi ko. "Ano?" tanong niya.

"Patunugin natin yung mga baso para magkiss sila dali!" sabi ko. Eh kinikilig ako kina Chae eh..

"Ikaw na lang, idea mo naman yan eh." sabi niya at tumalikod na sa akin.

Luh? Ako daw mag-isa, eh nakakahiya naman yun!

"Eh dali na!"

"Isama mo na lang yung KAIBIGAN MO."

Sino?

Ang dami-dami ko pa namang friends. May personal, may virtual at may imaginary hehe ^ω^

Hinayaan ko na lang siya at kinalabit na lang ang iba. Heh! Buti pa sila Daesung saka Mark um-oo. Palibhasa kasi KJ siya. Kainis.

"Kiss!"

"Kiss!!"

Sigaw kami ng sigaw habang pinupukpok namin nang mahina yung bado gamit yung kutsara. Pero syempre akin yung pinakamalakas na sigaw 'no! Yii~ nakikita kong nagbu-blush si Chaerin dito haha!

Kung naitatanong niyo kasi, kami-kami lang na magkakaibigan ang nandito. Nasa may bistro kami, somewhere here. Tapos, pinaprivate na lang din nila. As in kami lang talaga saka mga... Mga 3 staffs lang ang nag-aassists sa amin.

Nasa may malaking table kami tapos nasa pinaka-gitna sina Chae at Jiyong. Katabi ni Chaerin si Jennie, tapos si Bom, si Mark, si Daesung, si Minzy, ako at...si Taeyang na katabi rin ni Jiyong.

"Kiss daw, paano ba yan?" sabi ni Jiyong kay Chaerin. Abot tenga pa ang ngiti niya niyan ah!

"Magtagil ka nga diyan, may kasalanan ka pa nga sa akin eh.." sabi ni Chae.

Natahimik naman si Jiyong na binuyo pa ng boys. "Aww...Annulment na ba bukas? Haha!"

"Psh. Manahamik nga kayo!" asar na sabi ni Jiyong.

Tinawanan lang siya ni Chaerin. Asus. Ayaw talaga nilang magkiss 〒_〒

"Uy! Uy!" sabi ko habang nakataas ang kamay kaya nagtinginan sila sa akin. "Saan na titira si Chae niyan?" tanong ko.

Napatango naman si Jennie. "Yeah right, titira ba si Unnie sa house mo, or you'll stay din sa bahay namin, Jiyong Oppa?" tanong niya rin.

"She'll stay at my pad." nakangising sabi ni Jiyong.
.
.
.
.
.
"Eh kailan honeymoon??"

Chaerin's POV

"Hey, okay ka lang?" tinignan ko si Jiyong bago siya sagutin.

"Seriously, hindi. I'm not okay." sagot ko.

Nagulat ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. "B-bakit?" tanong ko. Nagulat ako ah!

"Ayaw mo ba? Are you even regretting it?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa labas.

Nasa kotse niya kami ngayon. Pauwi na daw kami sa ehem bahay NAMIN lang naman.. And, seriously, gabi na masyado. Bakit ba nagdadrama pa tong asawa ko?

Asawa ko? Yii~ ano ba!

Luh? Tama bang kiligin sa sariling asawa? Ewan nababaliw na ako.

Pero kung si Jiyong naman ang asawa mo, bakit hindi? Diba? Diba?!

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon