[20] Kuya Mark and his FriendS

1.6K 68 20
                                    

Chaerin's POV

Nandito na kami sa labas ng bahay. Hinihintay kasi namin 'yong friendS ni Bom. Susunduin daw kami para sabay-sabay na. Nandito na rin pala si Kris.

"Okay lang ba talaga na sumama ako?" tanong ni Kris.

"Oo nga, Bom. Nakakahiya talaga eh. Ikaw na lang sumama sa friendS mo." sabi ko naman.

"Okay lang 'yan, ano ba kayo? Isa pang tanong niyo tungkol d'yan, itutulak ko kayo sa daan." -Bom.

Napatahimik naman kami ni Kris. Kagaya ko kasi, nahihiya din siyang sumama. Pero okay na din atleast may karamay ako sa hiyang nararamdaman ko (*>.<*)

Tinignan ko 'yong tatlo ko pang kaibigan. Ayun sila, sobrang excited. Habang kami dito gusto na pumasok ulit sa bahay at 'wag na lang sumama.

"Oh, nand'yan na pala sila!" excited na sabi ni Bom.

May isang white van ang huminto sa harapan namin. Malaki siya at halatang pang-malayuang byahe talaga.

Kumaway-kaway si Bom habang lumalapit sa bintana ng van. Binaba 'yong glass window ng van kaya naman nakita namin kung sino ba 'yong friend niya. Well, gwapo naman 'yong kaibigan ni Bom. Pang-artista eh. At may kamukha! Kamukha niya 'yong ano...'yong..'yong...

Pinsan ko? Teka, Pinsan ko ba 'yon?!

"Kuya Mark?!" tawag ko kaya naman napatingin sila sa akin.

"Chae-Chae?! Ikaw ba 'yan?" tanong niya tapos nagmamadaling lumabas ng van.

"Kuya, ikaw nga!" sabi ko sabay yakap sa kanya. Grabe, na-miss ko 'tong pinsan ko na 'to ah? Halos limang taon na no'ng huli kaming nagkita. Kuya tawag ko sa kanya at hindi Oppa dahil ayaw niya. Ang bantot daw, ewan ko sa kanya. Mongoloid kasi 'yan eh.

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Ito, maganda pa din haha! Namiss kita, Kuya. Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?" -ako

"Eh, busy sa States eh. You know, business.."

May business kasi ang pamilya niya sa ibang bansa. Siya na ang nagha-andle n'on ngayon. Don't get me wrong ah? Di ko siya pinsan sa kapatid ng magulang ko. Only child pareho parents ko, only child din ako. Lungkot ng pamilya namin 'no? Ang liit lang.. Pero, ayun nga. Pinsan ko siya sa pinsan ng mommy ko.

"Businessman na businessman tayo ah?"

"Ang gwapo ko kasi!"

"Luh? 'nong connect?"

"Gwapo ko nga!"

"Ang yaba--"

"Magkakilala kayo?" napatingin kaming pareho ni Kuya Mark sa kay Bom. Tapos ngayon ko lang napansin na lahat pala sila nakatingin sa aming dalawa.

"Ah...hehe oo. Magpinsan kami." sagot ko.

"Magpinsan kayo? How come?! Bakit hindi ko alam?" gulat na tanong ni Bom.

Nagkatinginan lang kami ni Kuya Mark.

"Pero anyways, ibig bang sabihin nito sasama ka na talaga, Chae?" tanong ulit ni Bom.

"Naman!" nagtawanan lang sila tapos pumasok na kami sa loob.

"Akala ko kasama mo friends mo, Mark?" tanong ni Dara. Oo, close na din sila haha.

"Ah, ayan oh. Sa likod niyo." sagot naman ni Kuya Mark.

Napatingin kaming lahat sa likod namin. May tatlong lalaking natutulog. 'Yong dalawa, mga nakatakio ang mukha, may nakatakip ng cap at face towel. Para siguro hindi masilaw. Natutulog lang ng maayos yong isa.

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon