A/N: This Chapter is...uhm basta di 'to kasama sa pinakastory plot. Pero nilagay ko na din para sa ibang members ng Bigbang at...2NE1 ╥﹏╥
But anyways, take this as a special chapter dahil pasko naman ngayon (lol, author, lol 😒😒 Wala kang mauuto dito) gift ko na lang sainyo 'to.
Pero kung ayaw niyong basahin at gusto niyong tumuloy sa real plot, you're free to do it. Just go to the next chapter~
Merry Christmas, Everyone~ ❤❤
***
[Dara's POV]"Pansinin mo nga ako!" sigaw ko kay Taeyang na nilagpasan lang ako.
Nakakainis ah? Kanina pa ako nandito sa kanila, pinipilit siyang harapin ako. Nagsosorry na nga ako kahit di ko alam kasalanan ko, pero parang wala lang sa kanya! Nag-eecho lang ang boses ko sa loob ng bahay na 'to na parang ako lang ang nandito mag-isa!
"Ano ba?" sabi ko at humarang sa daanan niya. "Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako iniiwasan ah?"
"Hindi kita iniiwasan, Dara." sabi niya.
"Huh! Tingin mo ba maniniwala ako? Anong hindi, eh ano bang ginagawa mo ngayon? Diba't iniiwasan mo ako?!" napipikon na kasi ako eh. Buti wala dito si Daesung kaya malaya kong mailalabas lahat ng kinikimkim kong inis dito sa monggoloid na 'to.
"Bakit ka ba nakasigaw? Nasa harap mo na nga lang ako, ang lakas pa rin ng boses mo." sabi niya na naiinis na rin.
"Nakasigaw? Pasensya ka na ah? Yun lang kasi yung naiisip kong paraan para naman marinig mo ako! Oo nga nasa harap mo ako, pero bakit di mo ba ako makita?! Masyado ba akong maliit? Magka-height lang naman tayo a--"
"Can you please shut up?! Ang ingay-ingay mo! Naririndi na ako sa'yo, kaya pwede ba? Kung nagpunta ka lang dito para bungangaan ako, umalis ka na lang." sabi niya.
Natahimik naman ako. Bakit ang sakit?
Di naman ako nagpunta dito para bungangaan at awayin siya eh! Naiinis na lang talaga ako kaya nasisigawan ko na siya.
"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?" tanong ko pero hininaan ko na.
"Sinabi ko na sa'yo, di kita iniiwasan." sabi niya at naupo sa sofa na malapit.
"Oh, sige. Sabihin na lang natin na naniniwala ako sa sinasabi mong di mo ako iniiwasan." tumayo ako sa harap niya.
"Bakit ka galit?" tanong ko.
"Hindi ako galit." sagot niya. "At wala rin akong problema kung ayon ang iniisip mo."
(AN: naalala ko 'tong moment na 'to. Pinagkaiba lang, ako yung sinusuyo.. :'( anubayan)
"Talaga ba?" sabi ko na may pagkasarcastic. Like duh? Sinong tangang maniniwala sa kanya?
Narinig kong bununtong hininga siya at tumayo papuntang kitchen. Nakasunod lang ako sa likod niya.
"Gusto mo ba siya?" bigla niyang tanong. "Kasi nung nakita kita kasama siya, yung ngiti mo at yung saya ng aura mo, di ko pa nakikita yun kapag tayo ang magkasama."
"Sino?" taka kong tanong. "Sinong tinutukoy mo?"
Humarap siya sa akin at inirapan ako. "Yung Tsani na nakita natin sa simbahan bago ikasal sila Jiyong at Chaerin."
Tsani? Pangbunot mg buhok sa kili-kili yun diba??
Oh wait...
"Si Chanyeol ba? Tss. Chanyeol yun hindi Tsani!" sabi ko.
"Tss. Pareho lang yun. So ani nga, gusto mo ba yun?"
Huh? "Bakit ko naman magugustuhan si Chanyeol?" tanong ko. Eh pari yun eh!
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)