Hello sa inyo!!!
Pa-plug daw si myztery_mj haha! Djk, eto na talaga...
Support niyo po sana ang story entitled 'What is Happiness?' written by my younger sister/bestfriend myztery_mj
Para daw sa lahat ng fans ng BTS and RV!!
'Yun lang po (^o^)/~~
Chaerin's POV
"Seryoso ka ba, Chae? Magpapaligaw ka talaga kay Kris?" Paulit-ulit ni Dara sa tanong niya.
"Bingi ka ba o sadyang slow? Kailangan paulit-ulit?" sabi ko. Kaming dalawa na lang ang nag-uusap. Nasa kwarto na kasi kami para matulog.
"Ouch ah? Pero di nga? Papaligaw ka talaga?"
"Isa pang tanong, doon ka na sa tabing-dagat matutulog!"
Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina kaya nilingon ko siya mula sa kabilang kama.
"Nakakatawa?" tanong ko. Umiling-iling siya pero nakatawa pa rin.
"Eh, paano na si Jiyong?"
Natigilan ako sa tanong niya.
Paano na si Jiyong?
Paano na nga ba?
Ako naman ngayon ang napailing.
"Ano namang meron kay Jiyong kung magpaligaw ako kay Kris? Hindi naman siya maapektuhan, maliban na lang kung mababakla na siya at nagseselos siya sa akin at kay Kris?" sabi ko.
Bumangon naman si Dara sa pagkakahiga at nag-indian sit paharap sa kama ko.
"Diba sabi niya..gusto ka niya? Edi malamang apektado 'yon. Ikaw ba, okay lang sayo na may masaktang iba?"
"Eh, paano kung trip lang niya ako?" pangangatwiran ko
" Kung siguro siya pa rin 'yong dati kong minahal, baka maniwala pa ako. Pero nagbago na siya eh...di na siya ang lalaking mahal ko. Di niya ako mahal. At...""At??" -Dara (?_?)
"At...H-hindi ko na din siya ma-mahal.." nakatungo kong sabi.
Bumuntong hininga naman si Dara. Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"Fine. ヾ(¯∇ ̄๑) I admit being defeated. Pero pinapaalalahanan lang kita, Chae. Hindi lang naman si Jiyong ang masasaktan mo kapag nagkataon. Si Kris din, baka mapaasa mo at masaktan. And the worst?"
Tumingin ako sa kanya at hinintay ang sasabihin niya.
"You might hurt yourself too."
Hurt myself too?
Hindi. Hindi 'yon mangyayari. Kaya nga ako pumayag kay Kris, dahil alam kong hindi niya ako sasaktan. Hindi 'yon mangyayari. Hindi ko hahayaan na umiyak ako ulit dahil sa isang lalaki.
"Oh sya, nagulo ko na naman ang isip mo..haha! Goodnight na nga. Sweetdreams, Chae-Chae!" tapos humiga na ulit siya at tumalikod aa direksyon ko.
Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at niyakap. Pinikit ko na ang mata ko at naghintay na antukin.
Pero mukhang may super powers nga talaga si Dara at tuluyan nang gumulo ang isip ko.
Bigla, naalala ko na naman 'yong nangyari kaninang umaga...
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)