Hello sa'yo (*゚▽゚)ノ Noon pa kita napapansin pero ngayon lang ako nakapag-dedic ulit. So, sorry...
Salamuch sa support mo!!
***
Dara's POV
"Hello?"
[Hello? Who's this?]
"Oi, Monggi! Wag mo akong ini-engrish engrish dyan ah! Nasaan ka?! Magkita tayo!"
[Oo na! Kailangan sumigaw? Saan ba tayo magkikita? Pagbibigyan na kita total miss na miss mo na ako.]
Aba't ang kapal ng mukha nitong monggoloid na Taeyang na 'to!
"Sa Cups & Pages Coffee Shop. 3PM sharp." bored kong sagot.
[Haha! Sige. Sige. 'Wag kang mag-alala bibilisan ko dahil hindi mo tinanggi na namimiss mo na ako. Bye.]
"Ano?! Hoy!--*toot*-*toot* Leche! Nakakinis!"
Nakakainis na monggi-slash-Taeyang Panget na 'yun! Binabaan ang dyosang tulad ko?! Humanda sa akin mamaya yang monggi na yan!
Pero...
May request nga pala ako sa kan'ya.
Sige sige. After na lang ng request ko siya kukutusan.
Nagready na ako sa lakad ko dahil malapit na ring mag-3PM. Haist. Palibhasa kasi ako lang ang nakakahalata kaya ako lang ang gagawa eh..
***
Paglabas ko ng kwarto ko, kwarto naman ni Chae-Chae naman ang pinuntahan ko.Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Oh..ang lungkot naman. Ang dilim ng kwarto ni Chae. Ilaw lang ng lampshade ang nagpapaliwanag ng...konti.
Umupo ako sa kama ni Chae. Nakatalikod siya sa akin pero alam ko naman na gising siya. Naririnig ko kasi bawat hikbi niya eh.
"Chaerin, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ko. Umaasa na baka sagutin niya.
Kahapon kasi..kagabi pala, umuwi siya na umiiyak. Tinatanong namin kung bakit, hindi naman kami sinasagot.
Hanggang ayun, nakatulog na lang siya dahil sa pagod sa pag-iyak.
Naawa tuloy ako kay Chae ko...huhu.
"Okay lang naman kung ayaw mo pang sagutin. Pero...sana mag-open ka pa rin. Nag-aalala na kasi kami sa'yo eh." sabi ko at tumayo na. Kailangan ko na palang umalis huhu. "Sige na, Chae. Una na ako ah?" paalam ko bago lumabas ng kwarto.
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng pinto. Grabe, feeling ko talaga pati ako maiiyak.
Pero siyempre, nagdadalawang isip pw rin ako sa pag-alis. Wala kasing taong maiiwan dito para samahan si Chae. Kahit kasi labag sa loob namin na iwan siya dito, kailangang pumasok nina Jennie at Minzy. Si Bom din. Ako naman..pwede akong maiwan pero, mas gusto ko na maayos na ang lahat.
Kahit kating-kati na akong kutusan si Taeyang gagawin ko pa din 'to huhu.
**
Pagpasok ko sa Cups & Pages, nakita ko kaagad si Taeyang na kumakaway sa akin. Napairap na lang ako. Papansin lang ang peg niya?"De-diretsyuhin na kita. Hindi ako nandito para nakipagbiruan sa'yo. Nagpunta ako dito para sa bestfriend ko." seryosong sabi ko pagkaupong-pagkaupo ko.
"Woah, chill! Pranka mo 'ata ngayon? Pero, don't worry, nandito rin ako para sa kaibigan ko. At sa tingin ko, iisa lang naman ang gusto natin." nakangisi niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)