[13] With The Person I Love

1.7K 68 3
                                    

Chaerin's POV

"Ikaw pala. Long time no see, Kwon Jiyong."

Bigla namang kumunot ang noo ni Jiyong sa sinabing 'yun ni Kris.

"Long time no see? Do I know you?" tanong ni Jiyong. Oo nga pala, hindi alam ni Kris na nagka-amnesia si Jiyong.

Tinignan ko si Kris. Sana naintindihan niya ang ibig kong sabihin sa tingin ko na 'yun.

"Ah, hindi. Sorry. Nevermind what I've said. Hindi mo nga pala ako kilala. Same as I, di kita kilala. But let me tell you who am I. I'm Kris Han, Chaerin's bestfriend." sabi ni Kris. Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti naman at hindi niya sinabi ang totoo.

Nilahad ni Kris ang kamay niya kay Jiyong. Pero si Jiyong, tinitigan lang niya 'yun.

"I don't care. Chaerin's my PA. She's still in her working hours, so if you'll excuse us, we need to go." madiin na sabi ni Jiyong pero kalmado ang itsura niya. Nakakakaba lalo kapag seryoso at kalmado siya.

Hinigpitan ni Jiyong ang pagkakahawak sa braso ko at hinila ako paalis. Di man lang ako nakapag-paalam kay Kris.

"J-Jiyong, bitiwan mo ako. Kailangan kong balikan si Kris--"

Binitawan niya ang kamay ko pero nakatalikod pa rin siya.

Dapat na akong umalis. Binitiwan na nga niya ako diba? Pero para na akong napako sa kinatatayuan ko at di gumalaw. Hinihintay ko ang sasabihin niya.

"Bumalik ka na sa kan'ya." nakatalikod pa rin siya hanggang ngayon.

"H-ha?"

"You said, you need to go back at him. And I'm now letting you."

Nang marinig ko 'yun, tumalikod na din ako sa kanya. Nagsimula sa paghakbang--paglakad paalis. Pabalik kay Kris.

Sakto naman na palabas pa lang si Kris sa coffee shop nang makarating ako. Mukhang nagtaka pa siya na makita ako pero ngumiti pa rin.

"Akala ko aalis na kayo?" tanong niya nang malapitan ako.

"Hindi naman kita pwedeng iwan nang ganun lang."

"Mabuti naman. May itatanong pa ako sa'yo at mukhang alam mo na kung ano 'yon." tumango na lang ako.

Pinasakay niya ako sa kotse niya. Sa ibang lugar na lang daw kami mag-usap.

Mayamaya, huminto na din siya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung saan niya ako dinala.

"Kris..."

"May ipapakilala ako sa'yo." sabi niya bago lumabas ng kotse. Napatingin ako sa palagid. Maganda dito, masyadong tahimik pero payapa.

"Infinite Cemetery.." basa ko sa pangalan ng sementeryo bago tuluyang pumasok sa loob.

Tahimik lang ako na nakasunod kay Kris. Huminto ako nang huminto siya. Nasa tapat kami ng isang puntod.

Grace D. Han
1993-2014
You will always be in out hearts forever

Napatingin ako kay Kris nang mabasa ko ang nakasulat. Grace? Ang alam ko wala namang kapatid si Kris. Ang isa pa, di naman pwedeng mama niya kasi 1993 ito pinanganak. Kasing edad lang namin siya.

"She's my wife."

Wife? Pero diba may mahal siya?

"She's also my bestfriend... My sister.. My partner in crime." natatawa niyang sabi pero bakas sa kanya ang lungkot at pangungulila.

"A-anong nangyari sa kanya?"

"She died because of Leukemia. Ang bata niya pa masyado, she's just 21 that time. She's too young to suffer. Pero wala kaming magawa." kwento niya. Naupo kaming dalawa sa harap ng puntod habang tinutuloy niya ang pagkwento.

"Si Grace, naging bestfriend ko siya no'ng nagpunta akong States. She's kind. She's adorable. She's so brave yet she's so innocent. Sobrang close namin na madalas na kaming napapagkamalan na couple. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya, so I was. Everything was perfectly fine, until that day came. She was rushed at the hospital. Confined for 3 days for some test. Then we just knew, she needs to be diagnosed. She have Leukemia."

Habang pinapakinggan ko siya. Wala akong ibang magawa kundi ang maawa kay Grace, sa sinapit niya.

"Days passed... The bubbly adorable Grace was gone... I know, nahihirapan siya. Pero ayaw niyang sabihin, ayaw niya kaming kausapin. Until one day, her mom talked to me. She's hurt seeing Grace in that state. She asked me a favor. She told me that Grace was inlove with a guy that obviously didn't love her daughter back the way Grace love him. And that was me."

"Grace loves me. Her mom asked me to marry Grace. To give her hope and another reason to live." hinaplos ni Kris ang puntod ni Grace bago magsalita.

"So I did. I marry her. Sa umpisa, lumaks siya. Naging okay at gumaling. Pero pagkatapos no'n bumalik ulit kami sa umpisa. Inatake na naman siya ng sakit niya. And the second time was worse. She's dying. Kinausap din ako ni Grace. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin."

"Sabi niya, 'I know the deal between you and my mom. I know you don't love me the way I did, but you still marry me. And I'm thankful for that. I want you to know that I'm so blessed to have a husband like you. I'm sorry for locking you up with this marriage. I know you're inlove with someone else. Kris, I love you... And I will always will. I don't want you to be hurt. I want you to be happy with the person you love. So I am now letting you go...' and that was the last time I've talked to her."

Natahimik kami matapos n'yang magkwento. "Napakatapang mo." 'yan lang ang nasabi ko.

"Pero mas matapang si Grace." sabi ni Kris.

"Kaya ako bumalik dito." napatingin ako kay Kris.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kaya ako bumalik dito, para gawin ang sinabi ni Grace." tumingin siya sa mga mata ko.

"I'm here to be with the person I love."

******
A/N: Thanks sa lahat ng supporters. For VoMentting! Modu Kamsahamnida!

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon