[11] He's Kris

1.8K 68 7
                                    

Dedicated to: be99liner

*****

Chaerin's POV

Napatulala ako sa sinabi ni Kris.

"Oy, Chae, I miss you daw." panggigising sa akin ni Bom.

"Ha? Ah... Thanks?" Di ko alam sasabihin ko eh.

"Thanks? Grabe, di ka pa sure niyan ah? "

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Pasensya na Kris ah? Bangag kasi kaya ganyan."

Narinig ko namang tumawa si Kris. Bakit ba lahat tuwang-tuwa kapag badtrip ako? Nakakaasar lang.

"Okay lang. By the way, ano nga pala ginagawa niyo dito?" Tanong niya.

"Ah, wala naman. Namamasyal lang. Walang magawa sa bahay eh." Si Bom lang ang sumasagot kay Kris. Tahimik lang kami ni Jennie. May crush kasi yan kay Kris kaya ang tahimik. Ako naman... Wala lang.

Nagkukuwentuhan lang sila nang biglang dumating si Dara at Minzy.

"Kris Oppa??" nginitian naman ni Kris si Minzy.

"Owemgee! Kris ikaw nga! Kamusta ka na?!" excited na tanong ni Dara.

"I'm fine. Kayo, kamusta na?"

"Ito Dyosa pa din kami haha."

Nagkakamustahan silang lima. Habang ako tahimik lang talaga. Di naman sa nao-OP ako or what. Ayoko lang talaga.

"Uhm, Guys CR lang ako ah?" paalam ko. Mukha namang di nila ako narinig dahil panay pa rin ang kausap nila kay Kris. Umalis na lang ako.

Di ako pumunta sa CR. Naglibot lang ako. Wala din naman akong gagawin dun eh. Naiinis lang ako kasi... Basta naiinis lang ako ganun.

Umupo ako sa bench malapit sa may seaside. Tabi ng dagat kasi yung mall. Nagpapahangin lang ako doon. Mga ilang minuto ang lumipas nang marandaman kong may tumabi sa akin.

Nilingon ko siya pero di ko maaninag dahil sa sinag ng araw. Palubog na din kasi ang araw.

"Bakit bigla kang umalis?" matagal ko siyang di nakita pero kilala ko pa din ang boses niya.

"Wala lang. Mas gusto ko dito eh." natahimik siya at di na nagsalita.

"Kamusta ka na?" Pambabasag niya sa katahimikan. "Di ka kasi masyadong nagsalita kanina nung nasa loob tayo. May problema ba?"

"Okay lang naman ako. Wala akong problema." sagot ko habang nakatingin sa dagat.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. This time, tumingin na ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ewan ko ba. Pero feeling ko iniiwasan mo ako."

Binalik ko akg tingin ko sa dagat. "Bakit naman kita i-iwasan..?"

Huminga siya ng malalim bago ako tignan at sumagot. "Maybe, galit ka?"

"Kasi umalis ako nang hindi nagpapaalam sayo. Kasi iniwanan kita... Na girl---bestfriend ko."

Napangiti naman ako sa rason niya. Never pumasok sa isip ko na magalit kay Kris. Siguro nung una, oo nagtampo ako kasi nga di niya saakin sinabi. Pero okay na naman saakin yun. Tapos na yun. Saka tingin ko naman nakabuti para sa kanya yung pag-alis niya.

"Hindi ako galit. Actually, masaya ako na makita ka...Di nga lang halata. Haha." bigla niyang ginulo yung buhok ko.

"Pwede pa ba?"-Kris

"Ang alin?"-ako

"Tayo. Na maging magkaibigan tayo. Kung pwede lang naman. Baka kasi may magalit---"

"Huh? Sinong magagalit?" taka kong tanong sa kanya.

"You know. May boyfriend ka baka kasi magselos sa---"

"Wala akong boyfriend, Kris." pagpuputol ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin ng what-do-you-mean-look. Napailing na lang ako bago linawin ang sinabi ko

"Wala na kami ni Jiyong."

"K-kailan pa?"

"Matagal na din. Ilang buwan bago ka nawala." Natatawa kong sabi. Naalala ko lang kasi, nung time na yun. Halos isumpa ko lahat ng lalaki sa mundo dahil sa pang-iiwan saakin nila Jiyong at Kris. Pero, move on na nga ako diba?

"bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. May naalala lang ako." tapos tumawa ulit ako. Mayamaya pa, natawa na din siya sa di malamang dahilan. Mukha nga kaming tanga eh. Tumatawa na walang dahilan.

"Ang saya niyo naman. Sali kami!" nagulat kaming pareho ni Kris nang makita namin ang apat kong kaibigan.

"Nga pala, sige una na din ako. See you na lang ulit." paalam ni Kris sak umalis.

"Close na ulit kayo?" Tanong ni Dara habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Siguro? Di ko din alam eh." kibit balikat kong sagot na tinanguan lang nila.

Nang makauwi kami sa bahay, biglang may nagtext sa akin. Ang akala ko si Jiyong pero hindi,

From: Unknown Number

Kapag may free time ka just tell me. Bonding tato ulit gaya ng dati. Si Kris 'to. Binigay ni Minzy kanins no. mo sa akin. :)

Napangiti naman ako message niya. Naalala ko na wals akong schedule kay Jiyong kaya naman nagreply ako.

To: Unknown Number

Sure. Free ako bukas. So, see you tomorrow?

Pagksend ko non, pinalitan ko na rin yung name ng 'Kris'.

Nag-beep ulit yung phone ko sign na may nagtext ulit. Akala ko nagreply si Kris, pero hindi.

**
From: Mr. 'X'

Can you go at my pad tomorrow?
**

Tomorrow? Pero magkikita kami ni Kris bukas. Di pa man ako nakakapagreply kay Jiyong, may nagtext na naman sa akin.

**
From: Kris

Sure, see you tomorrow at 2pm.

**

Ano nang gagawin ko?! Ano ba kasing pinagpapapasok ko. Puro na lang problema!

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon