This is it. Ready na ba mga puso niyo??
-author
***
Chaerin's POV
"This is the day..are you ready?"
Nilingon ko si Dara. "May panahon pa ba para maging ready ako? Dito rin naman ang bagsak ko.."
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"I know it's hard. Pero hindi ibig sabihin non eh wala na talaga. Isipin mo na lang na pagsubok lang to. Malay mo balang araw, mahulog ka rin kay Kris diba?"
"Hindi ko alam. Mukhang malabo yata yun.."
"Wag mong isara ang puso mo para sa iba." pareho kaming napalingon ni Dara sa pinto. "Nandito na pala kayo." bati ko kina Bom.
"Well, sabi nga nila, after the rain, there'll always be a rainbow..."
"Tuloy ang buhay!"
"Agree!"
Nginitian ko na lang sila. Huminga ako nang malalim...
...wala nang urungan 'to.
"Chae, may gusto palang kumausap sa'yo." sabi ni Bom at pinakita sa akin ang laptop niya.
"Chaerinnie..."
Yun palang ang naririnig ko di ko na mapigilang maiyak.
It's my mom.
"Mommy.. I miss you." naiiyak kong sabi. Ang tagal ko siyang di nakita.
"I miss you too, My Chaerinnie.." nakangiti niyang sabi. "Sweetie, sorry kung hindi ako makakapunta sa big day mo. But I promise, sooner or later, babalik na ako. Magkakasama na ulit tayo."
"Miss na miss na po kita!"
"Ako rin, anak. How I wish na nandiyan ako ngayon...don't worry babawi ako sa'yo. I love you!" sabi niya at nagflying kiss pa sa akin.
"I love you too! Muah! Muah!" sagot ko.
Miss na miss ko na si Mommy... Sana nandito siya.. Pero hindi muna ngayon.
Nawala ang mga ngiti ko.
Hindi alam ni Mommy ang tungkol sa kasal na pinilit lang naman sa akin. Alam niya kang ikakasal ako. Yun lang.
"Thank you, My..."
"For you, anak. Basta lagi mo lang tatandaan na maging mabuti kang asawa sa pakakasalan mo. Maging mabuti kang ina sa magiging anak mo. Wag kang tutulad sa akin, wag mong hahayaan na masira ang pamilyang bubuuin mo.."
"I love you, Anak. Always remember that." she said before bidding her goodbye.
Miss na miss ko na siya.
"Okay ka lang,Unnie?" tanong ni Minzy.
"Oo, thank you talaga sa inyo!"
"Oo na, wag ka na mag-cry, Unnie. Nahuhulas na yung make-up mo oh." tumayo ako at niyakap silang apat.
Thank you God, for giving these kind of friend to me.
Sabay-sabay sa isang kotse na pumuntang simabahan sina Dara. Habang ako, sumakay na sa Bridal Car na inihanda para sa akin.
Konting minuto nalang, magbabago na ang buhay ko. Dapat ko nang tanggapin. Wala na kami ni Jiyong..
..pero bakit may pumipigil sa akin.
Maya-maya pa, huminto na ang sasakyan. Nasa tapat na ako ng simbahan.
Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)