Dedicated to: kamillevillarosa
*****
Chaerin's POVPinapasok ako sa isang kwarto sa tingin ko practice room. Naabutan ko doon si Jiyong na mukhang kanina pa naghihintay. Magagalit kaya siya? Wag naman sana, cotang-cota na ako sa sermon ngayong araw.
"Let's start." Biglang may lalaking nagsalita. Lumapit siya sa akin at may pinanood.
"Nakikita mo yung babae? Siya si Lyda Paek, siya ang kapartner ni Jiyong sa performance niya ngayon. Pero wala siya at hindi makakapunta..that'sa why, nandito ka." Sabi niya habang pinapanood sa akin ang video ni Jiyong kasama ang isang babae.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "P-po? Pero bakit naman ako?" Tanong ko. Eh, kasi....di naman sa hindi ako marunong sumayaw or kumanta, nakakahiya kaya andaming tao mamaya!
"We don't have ang choice." Singit naman ni Jiyong. "Don't worry, i'm performing with you.."
Napatango na lang ako ng wala sa oras nang maalala ko ang sinabi ni YG, '...don't loose him...'
Kaya no choice ulit ako. Bakit na kasi kailangan akong gumawa nito? PA lang ako at hindi artista tulad nila. Kung tutuusin, di naman dapat ako PA ni Jiyong. Dahil hindi ako nagpakahirap nakapagtapos para lang maging PA ng... ng..ng EX ko!! Si Bom, lagot talaga siya sa akin sa susunod!!
May isa pa ulit na lumapit sa akin. Siya daw ang choreographer. Tinaruan niya ako ng dapat kong gawin. Pinakabisado din nila ang kanta. For 2 hours! Pero...mamaya na lang magrereklamo! Paalala niyo kapag nakalimutan ko ah? Magrereklamo talaga ako!
Pagkatapos nun, pinagperform nila kaming dalawa ni Jiyong sa kanta niya. Chorus lang naman ako kaya madali na lang din kung tutuusin.
Makailang-practice pa bago namin tuluyang na-perfect ang performance. (See the video at the multimedia)
Nagpahinga muna kami ng ilang minuto dahil malapit na magsimula ang show. Ang init at sobra akong pinagpapawisan dahil sa ginawang practice pero grabe...nanlalamig kamay ko sa kaba.
"Jiyong..." na pa tingin naman siya sa akin. "Pwede magback-out??" Bigla niya akong si naman ng tingin. "Sabi ko nga joke lang, v(-_-#)"
"Do your retouch. The show might start in a few minutes," tapos tumayo na siya at iniwan ako.
So ganun na lang yun? Di bale, sanay naman na ako maiwan...joke lang.
******
Kami na ni Jiyong.I mean, yung susunod na magpeperform. Grabe, kinakabahan na talaga ako! Ayoko na!!!!
Naunang lumabas si Jiyong sa akin, mamaya na ako kapag malapit na yung part ko. Nagsimula na ang tugtog at ang ingay ng lahat...
(P/S: bawal dalawang video sa multimedia si panoorin niyo na lang sa youtube. Ayoko magbigay ng link, kayo na maghanap. 'R.O.D- GDragon. Featuring CL' si CL ah? Hindi si Lyda.)
Hanggang sa matapos ang performance in shock ako. Paano, wala naman sa pinaractice kanina na aakbayan niya ako tapos hahawakan niya ang kamay ko sa loob ng triangle na props nila. Kinikilabutan ako sa ginawang yun ni Jiyong. Nawala lang yung kaba ko nung natapos na yung performance at pabalikin kami sa backstage.
Hindi ako kinausap ni Jiyong dahil dire-diretsyo lang siyang umupo sa sofa. Mukhang pagod na. Ako naman bilang PA, feel na feel kong kumuha ng towel at pinunasan ang mukha niyang basang-basa ng pawis.
*dug-dug* *dug-dug*
Nagulat siya sa ginawa ko kaya na pa ayos siya ng upo.
"Wag ka ng maarte, PA mo ako diba?" sabi ko na lang kahit medyo gulat din. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
******
Nung announcing na ng winners, pinabalik ulit siya sa stage. Di na ako sumama dahil natatakot ako na baka ako pa maging dahilan ng pagkatalo ni Jiyong.Pero nagulat ako nang sabihing siya ang panalo. As in lahat ng producers na kasama ko sa backstage, nagtitili. Puro kasi babae, tsk! Ang kati lang ah?
Nang matapos ang show, nag-aya ang manager ni Jiyong na kumain daw muna sa labas pero tumanggi si Jiyong dahil gusto na daw niyang magpahinga.
Nung nasa sasakyan na kami, akala ko ihahatid niya ako pauwi pero ang sagot niya, "I'm tired. Just sleep on my unit."
Ayoko man dahil...bakit nga na ayaw ko? Basta ayoko lang. Ayoko kang siyang makasama. Gusto kong umuwi sa bahay namin pero ayaw niya talaga akong ipag-drive.
Ang bait niya kasing amo sa akin. At alam niyo ba? Pagdating namin dun, walang kain-kain tulog na agad. No choice naman ako kaya naman natulog na din ako. Iniwan nga ako ni Jiyong, kaya sa salas ako natulog.
......
"Uhmm...ano ba yun, Bom??...istorbo ka..." sabi ko kay Bom. Sandali pa lang ako natutulog, ginigising niya na ako.
Tapos bigla ko na lang narealize, wala nga pala ako sa bahay. Napabangon ako agad nang makita ko si Jiyong.
"Bom? Do I look that fat?" Taka niyang tanong na inirapan ko lang.
"Bakit mo ba kasi ako ginising?"
"Did i told you to sleep here? And...I'm hungry."
"Tapos? Wala sa akin ang pagkain, Jiyong."
"But you're my PA! You should cook for me," napabuntong hininga na lang ako. Gigisingin ako para lang magluto? Eh kung kutusan ko kaya 'to? Pero syempre joke lang yun.
"Oi! PA lang ako di maid mo!" Pero wala naman akong choice. Pumunta akong kusina niya. "Anong lulutuin ko?" Tanong ko.
"Something delicious," naiinis ako sa sagot niya. Something delicious? Eh lahat naman ng pagkain masarap. Duh, ritskid kasi!
Pagbukas ko ng ref, sinara ko lang ulit. "Anong lulutuin ko? Walang laman yung refrigerator mo? Magpa-deliver ka na lang," inaantok pa ako kaya wala akong pakealam sa kanya ngayon.
"Tsk! Stubborn-Sleepy Head!"
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)