[47] New Maid

400 12 0
                                    

Chaerin's POV

[Bakit kasi di mo na lang kausapin ng maayos?]

Inirapan ko si Bom na ka-video chat ko ngayon. "Ayoko nga. Ano siya, chix? Isa pa, bakit ako ang gagawa ng first move? Dapat siya. Siya ang may kasalanan hindi ako!" sabi ko.

Napabuntong hininga naman si Bom. [Alam mo, sinasabi ko lang ah? Wala naman kayong problema ng asawa mo eh. Ikaw lang tong nag-eemote at gumagawa ng pinoproblema mo eh!]

[Parang kumuha lang naman siya ng katulong para ma--]

"Yun na nga eh! Bakit kailangan pa ng katulong?! Nandito naman ako ah? Kaya ko namang gawin ang trabaho ng housewife. Kulang pa ba ako, kulang pa ba lahat ng ginagawa ko at kailangan pa ng iba?" sabi ko at umiyak na. I feel betrayed. Feeling ko walang tiwala si Jiyong sa akin kaya kailangan pa niyang kumuha ng bagong kasama dito sa bahay.

"Nandito naman ako eh.."

[Ewan ko sa'yo, Chaerin. Ang OA mo na ah? Wag ka ngang umiyak diyan.. At lalong wag mong isipin yang mga yan. Di ka pagpapalit ng asawa mo sa iba. Kilala ko yan.] sabi niya.

[Sige na, sige na. I'll hang up na. Nandito na ang asawa ko, bye bye na. Wag ka ng umiyak ah? Bye~]

"Bye.."

Pagkatapos ng usapan namin ni Bom, lumabas na ako ng kwarto.

"Goodevening ho, Ma'am." bati sa akin ni...ni..ano nga pala pangalan nito? Pero di ko siya pinansin at nagdiretsyo na sa kusina. Binuksan ko ang ref at napangiti nang makitang ang daming manggang hinog sa ref.

"Mukha ho yatang mahilig kayo sa mangga?" nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ng kasambahay. Tss. Pakilamera.

"Gusto niyo po bang ipaghiwa ko kayo?" prisinta niya. Hinayaan ko na lang siya at naupo..

"Asaan si Jiyong? Nakita mo ba?" tanong ko.

"Si sir ho? Eh, umalis ho saglit eh. Pinapasabi niya ho pala na wag niyo na daw po siyang hintayin. Mauna na daw po kayong matulog." sabi niya.

Napairap naman ako. "Stop that 'ho' and 'po'.....mas mukha ka pa ngang matanda sa akin eh." binulong ko na lang yung dulo.

"Sige po-- este, sige, Ma'am Chaerin."

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"Kiko, Ma'am." sagot niya. Kiko? Bakit feeling ko may iba sa name niya..parang...narinig ko na?

Ewan. Marami namang Kiko sa mundo.

"Gusto niyo pa ng mangga?" tanong nito.

"Sige, paghiwa mo pa nga ako."

****
Nagising ako sa hindi dahil sa tunog ng alarm clock. Nagising ako dahil sa mahihinang tawanan na naririnig ko sa labas.

Bumangon ako sa pagkakahiga. Alas-kuwatro na ng umaga. Sino ba yung maingay?

Sumilip ako nang kaunti sa pinto para di ako mahalata.

"Hahaha!"

"Talaga? Tingin mo?"

"Oo, diba sabi mo ayaw niya non?...dapat parati mo lang sabihin at gawin sa kanya yon para di siya magtaka...alam mo naman."

"Okay...fine, gagawin ko. Pero, paano kung hindi naman pala?"

"Wala namang masama kung susubukan. Para matapos na to." sabi ni Kiko. "Naiinis na ako kay Chaerin ah? Ang sungit-sungit. Saka ayoko nang magpanggap na katulong niyo lang. Hindi ako nagpakita ulit sayo para gawing katulong mo."

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon