Taeyang's POV
"Kita tayo."
[Ha? Bakit?]
"Alam mo na yun."
[Okay. Okay. Text mo na lang. Bye.]
Binaba ko ma ang tawag. Naghanda na din ako. Nga pala, si Dara yung kausap ko na yun. Sasabihin ko sa kanya ang nalaman ko kay Jiyong.
"Kuya, saan ka pupunta?" nilingon ko ang kapatid kong si Hayi.
"Ah, d'yan lang..importante." sagot ko naman.
"Ikaw talaga, Kuya. Gabi na naggagala ka pa. Susumbong talaga kita kay Mommy." sabi niya habang naka-pout.
Napangiti na lang ako. Alam ko naman kasing di niya ako isusumbong. Nagtatampo lang yan dahil madalang n akaming magkita at magkasama sa bahay. Nasa ibang bansa ang pareho naming magulang kaya naman kami lang ang magkasama dito. Tapos iiwan ko pa.
"Don't worry, babalik ako agad."
"Sus. Naggi-girlfriend ka lang yata eh. Nakakatampo ka, Kuya."
"Wag ka na magtampo. Pagdating ko kakantahan na lang kita ng nursery rhymes. Kwentuhan pa kita ng goodnight story. Sweet kong Kuya diba?"
Natawa na lang siya sa sinabi ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya para lalo siyang maasar.
Umalis na rin ako at nagpunta sa meeting place namin ni Dara.
***
Pagpasok ko ng coffee shop, nandoon na agad si Dara.
"Ano na? Siguraduhin mong matino yang nakuha mo sa kaibigan mo ah!" pagbabanta niya sa akin. Binigyan niya rin ako ng deadly glare niya. Sus.
Ngayon ko lang napansin, naka-night gown pala siya at mukhang kakagising lang. Bale, alas-onse na din kaya ng gabi. Tagal kasi magkwento ni Jiyong eh. Puro iyak. Nababakla na yata sa pag-ibig. Kaya ayokong magmahal eh.
Nakakabakla.
"Oh? Naistorbo ko ba tulog mo? Sige, kukwentuhan na lang din kita--"
"Mahal niya si Jiyong."
Natahimik ako saglit sa pagloloko. Si Chaerin ba tinutukoy niya?
Aba malamang.
"Talaga?! Inamin niya sayo?" tanong ko.
"Hindi. Pero..parang ganun na nga."
Bakit ba ang gulo kausap ng mga babae?
"Ah..okay. Sige. Kung diyan ka masaya, yan ang paniniwalaan natin haha!"
"Tigilan mo ko."
"Okay-okay. Pero, paano niya sinabi? I mean...sige na nga. Ano na lang sabi niya sayo?" tanong ko.
"Ganito...kasi, diba nga? Dapat ico-comfort ko siya kunwari para mapaamin ko siya? Kaya lang..siya na mismo ang nagkwento. Sinabi niya a akin kung ano talaga ang nangyari nung gabing 'yon. Tapos...tapos..."
"Tapos?" sarap ilambitin ni Dara tapos sabitan ng mga papremyo sa birthday parties. Masyadong pabitin eh.
"Alam mo ba na muntik ng may mangyari sa kanila?"
Hindi na ako nabigla do'n. Nakausap ko na nga si Jiyong diba?
"Pero paano mo nga nalaman na mahal pa niya si Jiyong kung hindi naman niya talaga sinabi sa'yo?" tanong ko ulit. Ayun lang naman kasi ang gusto kong malaman.
"Tinanong ko siya kung bakit sa tingin niya, hindi niya kayang mahalin si Kris. Sabi ko, baka kasi may iba pa siyang mahal. Pero sabi naman niya imposible 'yun.....'Hindi ko pwedeng mahalin si Jiyong'..yan yung sabi niya."
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)