Chaerin's POV
"Hhhmmm..hmm..hhmm~ "
Naghu-hum ako habang hinihimas ang tiyan ko. It's been 9 months.. Konting oras na lang, baby..
"Ayaw mo pang pumasok sa loob?" ramdam ko ang pagykap ni Jiyong sa akin mula sa likod. Yan na lang naman ang paraan para mayakap niya ako eh.
Siguro iisipin ng iba na, ang hirap magbuntis. Kasi ibang-iba ka kapag nabuntis ka. Pati katawan mo magbabago. Nakakapanghinayang siguro para sa iba yung figure nila. Pero ako, kada makikita ko ang sarili ko sa salamin, napapangiti ako.
Kasi kada makikita ko ang paglaki n tiyan ko, naiisip ko na mas napapalapit ako sa araw..kung saan makikita na namin ang pinakahihintay namin.
"Pwede pa naman daw ako dito, diba?" tanong ko.
"Pwede naman, basta ang sabi ng doktor, after 5 minutes daw bumalik ka na sa loob, kungdi dito ka na daw manganganak." natatawa niyang sabi.
"Excited na akong makita si Yuli, Oppa.." sabi ko.
"Me too..." naramdaman kong hinawakan niya ang tiyan ko. "Baby, wag mong papahirapan si Mommy ah? Be a good girl..ayaw nating masaktan ng sobra ang mommy mo."
Natutuwa ako kada ginagawa ni Jiyong yan. Sa paggising, kapag kakain kami at bago matulog, kinakausap niya ang baby namin. Sobra siyang excited lalo na at babae ang anak namin. Yon ang gusto naming pareho eh, baby girl.
"Hindi lang kayo ang excited makita si Baby Yuli no!" napatingin kami ni Jiyong sa nagsalita.
"Bom!" sabi ko. Siya na ang lumapit sa akin para yumakap. "Namiss kita.." bulong niya.
"Kung di pa nagdaldal sa akin si Dara kanina na naglalabor ka na dito, di pa papayag tong asawa ko na lumipad kami pabalik." biro ni Bom.
"Kamusta, Insan? Pinapahirapan ka ba nitong mokong na to? Gusto mo ba ako na ang bumangas para sayo?" natawa na lang ako nang sabihin ni Kuya Mark yon.
Kung alam mo lang, kung alam niyo lang kung ano ang dinanas ni Jiyong sa akin. Kawawa naman ang asawa ko..haha!
"Nandito na ang mga Ninang!" sabay sabay na sabi nila Dara, Minzy at Jennie.
"Ninang agad? Wala pa nga si Yuli eh.." sabi ni Taeyang kay Dara.
"Arte neto! Ganun din yon!"
"Anyways, Unnie.. Kamusta ka naman ngayon? Wala bang masakit sayo?" tanong ni Minzy. Umiling naman ako bago ngumiti. "Excited na ako!" sabi ko.
"Oh My Gosh! Sana talaga, Unnie, kamukha ko si Baby Yuli! Sakin mo siya pinaglihi diba?" natatawa na akong tumango kay Jennie.
Oo, siya ang pinaglihian ko. Kaya nga natuto yang magsalita ng straight-Filipino, para naman daw di mahirapan si Baby kung sakaling sa kanya nga magmana.
Naalala ko tuloy, halos sa bahay ko na dati patirahin si Jennie. Siya nga ang madalas kong katabi at hindi si Jiyong. Minsan, umaabsent siya sa school dahil sa mga requests ko. Okay lang naman daw dahil kaya niyang humabol, para daw sa amin ni Baby.
Si Mommy, next week pa siya pwedeng makauwi rito. Habang si Daddy naman, walang exact date. Pero sinabi naman niyang makakapunta siya.
Sa loob ng siyam na buwan, maraming nagbago.
Nabalitaan ko ang tungkol kay Nana, isa na siyang sikat na model sa Japan ngayon. Naging close sila ng ate niyang si Pony na isang professional make up artist na ngayon.
Si Kris, magkaibigan na ulit kami. At hulaan niyo kung sino ng nakatuluyan niya?
Si Kiko.
Natatawa nga ako kada makikita ko silang magkasama. Parang aso't pusa. Away-bati ang ganap. Naiingit pa nga si Jennie. Tuluyan na daw siyang nawalan ng pag-asa sa crush niya.
Alam na rin ng lahat ang tungkol sa pagbubuntis ko. Kahit hindi ako magbukas ng mga sns ko, araw-araw na binabalita sa akin ni Dara na excited na halos ang buong mundo sa pagdating ni Yuli.
Naging mas successful pa kasi ang career ni Jiyong. Lalo siyang sumikat lalo na sa ibang bansa. Minsan, ayaw na niyang tumanggap ng mga projects para daw mas masamahan niya ako pero ako na rin ang umayaw. Oo, kailangan mo si Jiyong dito pero hindi lang naman dapat sa akin umikot ang mundo niya.
Di pa man lumalabas si Yuli, tinuturing na namin siyan baby blessing. Simula nang ipagbuntis ko siya, sunod-sunod na ang swerte namin.
"Ano na nga palang balak niyo?"
"Kayo ba.."
"Uy ah!"
"Shut up!"
Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga nasa paligid ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.. Ang sakit...parang humihinto ang mundo ko.
"O-Opp..aa.." napahawak ako sa braso ni Jiyong.
Para akong maaout of balance sa sakit. Ang sakit ng lower regions ko..
Hindi ko alam kung paano nangyari nang maramdaman ko na lang na buhat ako ni Jiyong at tinatakbo na niya ako sa loob ng ospital.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Excited ako, oo. Pero ngayon ko lang naramdaman ang kaba ko.
Baby Yuli...
***
"Ugh.." nagising ako sa sakit. Ang sakit ng katawan ko.Pero isa lang ang naiisip ko.
"Y-Yuli...Jiyong.." tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at nagpalinga linga.
"Oppa.." tawag ko sa lalaking nakaupo sa katapat kong sofa. Mukhang nagising ko siya at nagulat pero agad ding lumapit sa akin.
"Chaerin...are you alright? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Tell me.."
"O-oppa..si Yuli..yung baby natin." sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"She's fine. Ang ganda niya..parang ikaw." sabi niya bago ako halikan sa labi.
"Thank you, Chaerin. Thank you for giving me Yuli." nginitian ko lang siya. Nakahinga na ako nang maluwag. Sapat nang malaman kong stable ang anak ko.
"Nasaan pala ang iba?" tanong ko.
"Nasa nursery. Binabantayan si Yuli. Baka daw mapagkamalang manika at paglaruan ng kung sinoman" biro niya.
Napasimangot naman ako. "Madaya. Nauna pa nilang makita ang baby ko kesa sa akin."
"Gusto mo bang makita si Yuli? Pwede naman na daw siyang dalhin dito." nabuhay na naman ang excitement dahil sa sinabi ni Jiyong. Ilang beses akong napatango.
Maya-maya pa, may isang nurse ang pumasok...may hawak na baby..
Nagbagsakan ang mga luha ko nang iabot sa akin ang baby ko.
"Yuli.." Tumabi din sa akin si Jiyong.
"Ang ganda-ganda niya, Oppa..mukha siyang anghel." sabi ko. Ugh. Tears of joy..
"She looks like you."
Kwon Yuli..
Ngayong nandito ka na sa piling namin, masasabi ko na talagang kumpleto ako. Ikaw ang kumumpleto sa kabuuan namin ng Daddy mo.
"I love you, baby.." sabay halik sa noo ni Yuli.
"Grabe~ ang cute ni Yuli. Mukhang manika!" puri ni Dara.
"Oo nga, kamukha pa ni Unnie. Akala ko pa naman ako ang kalook a like ni baby.." nanghihinayang na sabi ni Jennie.
"Okay lang yan, Jen. Ikaw na man din ang pinaglilihian ko eh. Ang kyut kyut mo pa naman!" sabi ni Bom at pinisil-pisil ang mukha ni Jennie.
"O-okay na ako kay Chaerin Unnie..." sabi ni Jennie at lumayo na kay Bom.
Tinignan ko ulit ang anak ko at mahinang pinisil ang pisngi niya. Ang lambot ng balat niya at sobrang kinis at puti. Di ko sasabihing perfect ang anak ko pero, masaya na ako sa kanya.
"Pamilya na tayo, Oppa."
"Buo na tayo, Chae."
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)