Dara's POV
[Magbukas ka ng SMS mo. Trending na naman kayo ng ASAWA MO.]
Tinext ko lang si Chaerin.
Hehez gusto ko siyang asarin.
Paano, trending na naman sila. Marami kasing nakakita kay Jiyong sa dapat na kasal nila Chae at Kris. Syempre maraming tao and fans... Mga chismosa sila :-\ Parang ako.
But anyways, di kagaya dati, nakita na ng lahat ang mukha ni Chaerin. Kaya ayun, rumored sila. Pero di naman ako nababahala.
Kayang kaya na ni Jiyong at Chae yan haha
"Alam mo, daig mo pa yung mga kinasal sa kilig mo." napatingin naman ako sa katabi ko.
"Bom, ang corny mo!" sabi ko nga.
Naiingit lang naman ako eh ╥﹏╥ ang haba ng hair ni Chaerin. Dalawang naggwageapuhang nilalang ang nagkakandarapang magpakasal sa kanya.
Buti pa siya..
"Eh, teka nga! Bakit ba nandito ka pa? Bakit di ka tumambay kina Taeyang?" tanong ni Bom.
Kinibit-balikat ko na lang siya. Di ko din naman alam eh. Lagi naman talaga akong tumatambay sa bahay nila Taeyang. Wala lang, parang daily dose na namin ang awayin ang isa-t isa ganun. Kaya lang lately kasi naabno na naman si Taeyang. Ang sungit-sungit niya. Dinaig pa niya si Chaerin kapag PMS.
"LQ kayo 'no?" sabi ni Bom habang nginingitian ako ng mapang-asar.
"LQ? Q lang no! Quarrel lang!"
"Why sobrang defensive?" tinignan ko naman ng masama si Jennie. Tignan mo, chismosa din to eh.
"Eh bakit ba ako ang trip niyong dalawa? Kayo na nga lang mag-usap diyan!" sabi ko at tumayo na.
Lumipat lang naman ako sa kabilang sofa.
"Unnie, gotta go na ah? Aalis muna ako. Bye~" sabi naman ni Minzy at bumeso pa sa amin.
"Oh my Gosh! We have a practice pala today! Unnie, I will go na rin. Baka ma-late pa me." ayan umalis na din si Jennie.
"Oh, ano, baka aalis ka rin?" tanong ko sa kanya.
"Nope. Ipopospone ko date namin ni Mark. Sabihin mo muna kung anong nangyari sa inyo ni Taeyang?" tapos tumabi siya sa akin.
"Haist."
***flashback***
"Uy, Taeyang, seryoso ba 'tong kasal nila Chae at Jiyong?" tanong ko.
"Oo nga. Wag ka na ngang masyadong madaldal diyan. Magsisimula na eh." sabi niya na seryoso.
"Okay.." sabi ko at inikot ang paningin ko sa simbahan.
Ang ganda talaga dito...
"Hi.." napatingin ako sa lalaking nakaharang sa daan ko.
"Uhm, Hi?" kilala ko ba 'to?
Bigla naman siyang nag-chuckle, "Di mo na ako naaalala, I guess?" sabi niya na nakangiti.
"Uhm, Oo eh hehe" sabi ko pa. Eh nakakahiya...ang gwapo niya kaya >_<
"I'm Chanyeol Park. We're classmates from elementary to highschool.." nakangiti niyang sabi.
"Chanyeol.." chanyeol...chanyeol...chanyeol... Oh my God!
"Chanyeol?! Oh my God! Ikaw yung top 1 namin na super talino? Ang laki na ng pinagbago mo.. Grabe, di kita nakilala!" sabi ko. Ang gwapo niya na... ≧∇≦ dati puro braces pa siya saka ang baduy-baduy niya.. Ngayon, ang wafu na niya ^o^
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)