[5] What To Wear?

2.2K 72 4
                                    


******

Chaerin's POV

Kinabukasan ng umaga na ako nagising mula sa pagkakatulog ko nung hapon. Nakakapagod kasing isipin yung mga taong walang pake sa'yo =_=

Good thing naman kasi atleast hindi na ako ginugulo masyado nung apat. Na kwento ko na rin naman sa kanila pero si Bom ayaw sabihin sa akin ang dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap at magsinungaling sa harap ni Jiyong.

"Uy, Bom...sabihin mo na sa akin. Ang daya mo naman eh!" Pamimilit ko sa kanya.

"Diba sabi ko kapag umuwi ka na kagabi? Eh hindi ka umuwi, edi hindi ko sasabihin *bleh*"

"Anubayan! A---" di ko na tuloy kasi may nagtext na naman. Uso text ah?

From: Mr. 'X'

Go to the Entertainment Building before 11AM, your work needs you.

***

Work?

Oh...PA nga pala ako >_<

Teka, anong oras na ba?

Tumingin ako sa orasan at pasado alas-nuwebe na din. Kailangan ko ng magprepare.

Tumayo na ako at papasok na sana sa kwarto ng tawagin ako ni Dara.

"Oh? Saan ka pupunta? Matutulog ka na naman?" tabong niya.

"Hindi 'no! May pupuntahan pa akong trabaho." sagot ko.

"Wow! Himala! Wahaha" Tuwang-tuwa ka pang bruha ka! Saksakan kita ng mais sa baga eh joke!

******

Uhmm... ano bang susuotin ko? Kanina pa kasi ako dito eh. Antagal kong naghahanap ng damit na susuotin kaya lang wala akong mahanap.

"Ugh! Ayaw ko na!" Reklamo ko sabay salpak sa sahig habang tinititigan ang walk in closet ko na wala ng kalamanlaman dahil nailabas ko na lahat.

"Unnie, hindi ka na na kakain dito?" Si Minzy yun na nasa kabilang parte ng pinto.

"Sandali...." no choice ako kundi buksan ang pinto at manghingi sa kanya ng tulong.

"Oh, Unnie?!" Nagulat siya ng makitang naka-underware lang ako.

"Tulungan mo nga ako. Wala akong masuot eh!" Pumasok naman siya sa loob at napailing sa kalat na ginawa ko.

"Haynako, Unnie! Sa dami ng damit mo wala kang mapili? Saan ba kasi ang lakad niyo ngayon ni Jiyong Oppa. Baka kasi hindi bumagay kapag kung ano lang ang sinuot mo."

"Uhmm, hindi ko rin alam eh..basta daw sa YGE ako pumunta. Ay basta! Ayoko magdress dun ah? O kahit skirt!"

Napabuntong hininga na lang siya at may binulong, "ang hirap kasi kapag may hindi makaalala..." pero di ko maintindihan.

"Ito na lang ah? Para bagay kahit saan. Wag ka na magreklamo malapit na mag-11 Unnie." Tapos umalis na siya.

"Hmm.." tinignan ko yung pinili niyang damit.

Long-sleeves na black shirt at white shorts? Di bale, hindi naman ganun kaikli yung shorts. Okay na nga yan kesa naman nakapalda ako diba?

Mag-make up pa ba ako? Sus! Wag na! Hindi ako marunong eh...

Lumabas na lang ako ng kwarto ko dala ang sarili ko at isang hand bag na kulay white kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

"Baka naman magalit si Jiyong niyan? Di ba ayaw niyang nakikita ng iba ang legs mo?"

Napatingin ako kay Dara dahil sa sinabi niya. Oo nga 'no? ayaw niya nga pala ng ganun.

Aakyat sana ako ulit para magpalit ng damit kahit mahirap mag hanap nang magsalita si Jennie.

"Why need to change pa? He can't remember naman na you diba?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Literal na nanigas sa kinatatayuan ko.

Uhm...

May tinanong sa akin si Minzy.

"H-hindi na. Aalis na ako, baka ma-late pa ako eh. Sige, bye..." sagot ko. Kumaway ako sa kanila bago umalis.

Tulala akong naglakad palabas ng subdivision.

Oo nga naman.

Di na niya ako naalala.

Kaya kahit anong gawin ko. At kahit anong isuot ko...okay lang. Wala siyang pake.

Haay...bakit ba ako nagdadrama?

"Moved on na ako. Tama na. Okay na ako eh.." bulong ko sa sarili ko. Paulit-ulit.

Hanggang sa makasakay ako sa jeep. Paulit-ulit pa rin ako. Feeling ko nga kabisado na ng mga katabi ko sa jeep ang binubulong ko. Mukha na akong baliw. Pinagtitinginan na ako eh!

"Miss, okay ka lang ba?"

Nilingon ko ang babaeng katabi ko. Naka-school uniform siya kagaya ng kay Minzy at Jennie. Mukha rin siyang mayaman pero..baduy eh.

"Miss?"

"H-ha? Ano yun?" tanong ko.

"Eh, kanina ka pa kasi paulit-ulit sa sinasabi mo diyan." sabi niya. Napatungo naman ako sa kahihiyan.

"Alam mo, kung totoong moved on ka na, hindi mo na dapat siya iniisip pa. Hindi ka na dapat affected pa sa kanya..."

Para sa akin pa ba 'yung sinasabi niya o humuhugot na lang talaga siya?

Ngumiti siya sa akin at nagpakilala. "I'm Hayi, Hayi Dong." sabi niya.

"Ah..hehe ako naman si Chaerin. Chaerin Lee."

"Sige na, Ate. Dito na ako. Bye..." paalam niya at tumayo ng kaunti. Pero may sinabi pa diyang hindi ko naintindihan.

"...Malay mo mahal ka rin niya hanggang ngayon."

Ano daw?

Natahimik na lang ako pagkaalis nung Hayi. Di ko na rin binukong yung kanina ko pa iniisip. Baka kasi may humugot na naman na kung sino.

Pero nakakainis! Traffic na naman!

Chineck ko ang cellphone ko para tignan ang time. Waa! Malapit na mag-11:30. Sabi pa naman ni Jiyong, before 11AM.

Lagot ako nito!

Occupation: My EX's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon