Bom's POV"She? She's noisy, she's talkative, she has no poise. She's not pretty nor cute. She's weird and annoying..."
Natuwa ako na gano'n ang tingin ni Jiyong kay Chae. Mukhang mas mapapadali pa ang paglalayo namin sa kanilang dalawa.
Tinignan ko ang reaksyon ni Chae,
Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Bigla tuloy akong na-guilty.
Masama na ba akong kaibigan?
Masama bang isipin ko ang makakabuti para kay Chaerin?
"....but I like her..."
Natulala ako sa sinabi ni Jiyong.
T-totoo?
****
Dara's POV
"Uy, Jiyong! Nagjo-joke ka lang ba? Bawiin mo na nga bago kami maniwala!" ako 'yan guys.
Nakatingin kaming lahat kay Jiyong pero mukhang wala siyang pake.
"Huy, ano na? Nabubulok na ako kakahintay sa'yo."
"Why would I answer your second question? It's not in the game rule. Tch."
"Ang daya! Kapag ikaw natapatan ka ulit ng bote, 'yon ulit ang tanong sa'yo ah!"
Pinaikot na lang ni Jiyong 'yong bote at hindi ako pinansin. Kainis. Pareho sila ng kaibigan niyang monggi!
Tumapat kay Bom.
"Truth or Powder?" tanong ni Kuya Mark---mukha kasing walang interes si Jiyong.
"Uh....ano...ako ba?" -Bom
"Oo, ikaw -_-#" -Mark
"A-ako?" -Bom ulit
Ano bang nangyayari kay Bom?
"Sabog ka ba, Unnie?" tanong ni Jennie.
Bigla namang tumayo si Jiyong at umalis ng walang paalam.
"Uy, Monggi..saan punta nun?" tanong ko kay Taeyang.
"Ba't di mo tanungin?" sagot niya.
Leche. Leche talaga. Konti na lang talaga susundan ko na ang yapak ni Jiyong at aalis na rin ako dito. Kainis kasi tong katabi ko. Leche, bakit ko nga ba 'to katabi?!
Tatanungin ko pa sana si Taeyang nang magsalita si Bom.
"Hi-hindi 'no. May..may iniisip lang grabe naman kayo sa akin! Pero...sige, dadamayan kita Jennie--"
Di na kami nagpaligoy-ligoy pa at pinaranas na kay Bom ang kasuklam-suklam na sinapit ni Jennie. Hahaha
Papaikutin sana ni Bom ang bote nang may mapansin ang singkit na mata ni Daesung.
"Bakit hindi naglagay si Chaerin?" tanong niya.
Nilingon namin si Chae na mukhang nakarating na ng Pluto ang utak sa layo ng iniisip.
"B-bakit...bakit gan'yan kayo t-tumingin?" inosente niyang tanong nang mapansin niyang pinagtitinginan namin siya.
Tatawa na sana ako kaya lang naalala ko 'yong sinabi ni Jiyong..
'..but I like her...'
Dahil kaya doon kaya sabog sila ni Bom?
"O s'ya. Tuloy na ang game!!!"
Tumapat naman kay Kris ang bote. Napangiti naman si Bom. Ay, Sabog nga. Biglang nangiti eh.

BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)